BINI's "Kapit Lang" captured the attention of netizens, who are all praises for the track’s timely message about maintaining a positive mindset and staying strong amid challenging times.
BINI, pupunta sa Dubai kasama ang BGYO para sa 1MX Music Festival
Patuloy ang pagbibigay-inspirasyon ng mga awitin ng P-Pop girl group na BINI dahil puring puri ng fans at netizens ang nakaka-good vibes na latest single nitang “Kapit Lang.” Wala pang isang linggo, nagtala agad ng higit sa 320,000 views sa YouTube ang matingkad na music video.
Nakakatuwa at nakakaindak ang music video kung saan nakasuot ng makukulay na damit ang mga miyembrong sina Aiah, Colet, Maloi, Gwen, Stacey, Mikha, Jhoanna, at Sheena habang sabay-sabay na humahataw.
Maraming fans ang naka-relate sa mensahe ng BINI tungkol sa pagiging matatag at palaban sa kabila ng iba’t ibang pagsubok. “Minsan ayoko nang bumangon, nalulunod sa lungkot at galit. Pero kahit mahirap, gagawin ang kailangan… Kapit lang, kaibigan,” ang mensahe ng BINI sa kanta.
Sabi ng YouTube user na si Sky Bergara, “A friend of mine is currently struggling with his career and finances. I didn't know what to say to console him so what I did was, I sent him this music video. He was very thankful, and he said that this is exactly what he needs. Thank you for this powerful song, girls.”
“This song has the power to lighten all the heavy feeling that every Filipino is experiencing right now. Daming nangyayari sa mundo and this song can really help. The message is so clear and simple, yet it penetrates the heart. Share to spread the message. Deserve ng lahat na makita at mapakinggan ito! KAPIT LANG TAYOOO,” sabi naman ng YouTube user na si Miss Ma'am.
Ayon sa komento ng YouTube user na si @ako_si_misheru, “Malaking tulong talaga ang mga nilalabas niyo na kanta na inspirational at empowerment ang theme kasi napapanahon. Isa sa kinakapitan ko talaga ay kayo girls kaya keep inspiring us!”
Para naman kay Alex M sa YouTube, “Eto na ‘yung song na papakinggan ko if I feel down or sad. The song is hopeful and optimistic. My motivation jam. Thank you sa song, BINI!”
Una nang gumawa ng ingay ang BINI nang inilabas nila ang debut single nilang “Born to Win.” Kamakailan ay nakapagtala na ito ng higit sa 500,000 na streams sa Spotify at higit sa isang milyong views sa YouTube.
Bukod sa kanilang paparating na debut album at sibling concert ngayong taon, pinaghahandaan na rin ng BINI ang performance nila kasama ang brother group nilang BGYO para sa 1MX Music Festival na gagawin sa Dubai sa Disyembre 3. Ito ang unang pagkakataon ng dalawang grupo na makapag-perform sa harap ng kanilang international fans.
Samantala, makakabili pa rin ng tickets para sa inaabangang “One Dream: The BINI & BGYO Concert” sa Nobyembre 6 at 7. Ang SVIP tickets ay nagkakahalaga ng P1,950 o US$39.99 para mapanood ang dalawang shows at makasali sa fan meet sa KTX.PH. Available din ang VIP tickets sa KTX.PH, iWantTFC, at TFC IPTV sa halagang P1,490 o US$29.99 para makapanood ng parehong shows.
Masusubaybayan din ng fans ang mga pinagdaanan ng BINI at BGYO bago at pagkatapos nilang i-launch, pati na ang ginagawa nilang paghahanda para sa kanilang concert, sa iWantTFC documentary na “One Dream: The BINI & BGYO Journey.” Ipinapalabas ang bagong weekly episode nito kada Sabado ng 10 PM sa iWantTFC.
Panoorin ang “One Dream: The BINI x BGYO Journey” sa iWantTFC at bumili na ng tickets para sa concert sa KTX.PH, iWantTFC, at TFC IPTV. Kumuha ng updates tungkol sa BINI at BGYO at sundan ang BINI_ph at BGYO_ph sa Facebook, Twitter, at Instagram, at mag-subscribe na sa official YouTube channels nilang BINI Official at BGYO Official.