News Releases

English | Tagalog

Tambalang KD at Alexa, magpapakilig muli ngayong Linggo sa "ASAP Natin 'To"

January 28, 2022 AT 08:30 PM

KD and Alexa deliver another sweet performance together with Adie on "ASAP Natin 'To"

Following their trending ASAP duet, KD and Alexa will make sparks fly anew as they continue to perform sweet music together

Gigi, Yeng, at Jona magsasanib-pwersa ngayong Linggo

Tuloy-tuloy pa rin ang sayang hatid ng inyong paboritong Kapamilya stars sa "ASAP Natin 'To," tampok ang muling pagpapakilig nina KD Estrada at Alexa Ilacad, pagsasanib-pwersa ng mga bigating biritera ngayon, at iba pa na mapapanood ngayong Linggo (Enero 30) sa Kapamilya Channel, A2Z, at TV5.

Matapos ang kanilang pinag-usapang duet sa ASAP stage, magpapakilig muli ang tambalang #KDLex kasama ang "Paraluman" singer na si Adie, habang hindi rin pahuhuli sa kantahan ang new breed of ASAP singers na sina Anji Salvacion, Angela Ken, Diego Gutierrez, at Sam Cruz kasama ang bandang Six Part Invention.

Maki-indak sa '80s hits kantahan at sayawan nina Janine Gutierrez, Darren, Jason Dy, Janine Berdin, Jeremy G, Jin Macapagal, vocal trio iDolls, at ng buong "ASAP Natin 'To" family.

Todo-todo rin ang hatawan sa "Star Magic Presents" sayawan nina Kyle Echarri, Francine Diaz, Krystal Brimner, Karina Bautista, Aljon Mendoza, Jameson Blake, Sela Guia, Kurt Mendoza, Aya Fernandez, at ASAP dance royalty Kim Chiu.

Tuloy-tuloy rin ang kantahan sa ASAP stage, tampok ang pangmalakasang solo performance ni KZ; New Gen biritan nina Reiven Umali, Sam Mangubat, Lara Maigue, JM Yosures, at Sheena Belarmino; at ang pagsasanib-pwersa nina Gigi de Lana, Jona, at Yeng Constantino para sa kanilang Up Dharma Down hits sing-off.

Kaabang-abang din ang world-class treat nina Gary Valenciano, Erik Santos, Klarisse de Guzman, Zsa Zsa Padilla, Jed Madela, Ogie Alcasid, at Regine Velasquez sa "The Greatest Showdown."

Huwag na huwag palampasin ang bonggang Sunday afternoon party ng longest-running musical variety show sa bansa, ang "ASAP Natin 'To," ngayong Linggo, 12 ng tanghali sa local TV sa Kapamilya Channel, Jeepney TV, A2Z, at TV5, online sa Kapamilya Online Live at iWantTFC, at worldwide via TFC. Para mapanood ito sa TV5 at A2Z, i-rescan lang ang digital TV box na ginagamit sa bahay, gaya ng TVplus.

Para sa updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, TikTok, at Instagram o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.