News Releases

English | Tagalog

Laro at talento ng Pinoy, ibabandera sa bagong shows ng PIE Channel

October 11, 2022 AT 05:35 PM

PIE Channel launches Pinoy games and talents via new shows

Filipino games and talent will take the spotlight as PIE (Pinoy Interactive and Entertainment) Channel launches new programs.

Kasama sina Anji, Eian, Samantha, Jackie, Jeremy G, Vivoree, atbp
 

Angat ang mga palaro at talentong Pinoy dahil sa mas pinasiksik na mga programa sa PIENALO PINOY GAMES, PIEGALINGAN, at PAK PALONG FOLLOW ng PIE (Pinoy Interactive and Entertainment) Channel.

Masayang mga larong tatak Pinoy kung saan bayanihan at diskarte ang kailangan ng mga nanonood sa kanilang mga tahanan sa PIENALO PINOY GAMES. Mula Lunes hanggang Biyernes maaring makapag uwi ang sambayanan ng hanggang 50,000 pesos. Pwedeng salihan ang “Matching Matching” ( 7 pm – 8 pm) na isang “matching” card game na hango sa Filipino card game na ungguy-ungguyan at ang “Dagdag Bawas” (6 pm – 7 pm) na interactive game na tungkol naman sa tantyahan. 

Pagsapit ng Sabado, tiyak aapaw ang saya at papremyo hanggang 100,000 pesos sa “PoB Sana All!” ( 6 pm – 8 pm) na interactive comeback ng sikat na ABS-CBN game show na “Pera o Bayong.” Tuwing Linggo naman mapapanood ang “Sino’ng Manok Mo?” (6 pm – 8 pm) kung saan may tsansang manalo ng perang papremyo ang 100 viewers.

Magsisilbing jocks naman ng PIENALO PINOY GAMES sina Eian Rances, Negi, Sela Guia, Kevin Montillano, Nicki Morena, Ruth Paga, Nonong Ballinan (Lunes hanggang Sabado) Inah Evans, Kid Yambao, Patsy Reyes, at Jackie Gonzaga (Linggo). 

“Mas nagu-grow kami ‘nung nadagdagan kami na hosts. Masaya po kami off-cam. Talagang ang iingay namin and meron kaming group chat na nagpaplano kami ng mga gusto naming suotin or gawin for the show,” sabi ni Eian.

Ibinahagi rin ni Nicki na nagdadasal sila bago magsimula ang kanilang palabas. “Before mag-start ‘yung show, nagdadasal kami. Palagi naming mantra sa show, magbabago kami ng buhay today. Kasi everyday marami kaming napapapanalong viewers,” saad niya.

Samantala, galing ang panlaban sa talent variety block na PIEGALINGAN kasama sina Anji Salvacion, Eris Aragoza, Ralph Malibunas, Sam Bernardo (Lunes hanggang Sabado), at PAK PALONG FOLLOW kasama sina Gello Marquez, Jeremy G, Reign Parani, at Vivoree (Linggo).

Masaya naman si Anji na nabigyan ng pagkakataong maging isang PIE jock. “I feel so blessed na I'm here and I'm given this opportunity to showcase myself, my personality, and my talent,” kwento niya.

Samantala, nagbahagi naman si Jeremy G kung bakit malapit sa kanyang puso ang kanilang show na PAK PALONG FOLLOW.

“Sa PAK PALONG FOLLOW we give the platform to content creators to show their talents. And then we give them the opportunity to be exposed sa mga katroPIE natin,” sabi ni Jeremy.

Mula Lunes hanggang Sabado, maaaliw ang viewers sa husay ng Pinoy sa “Ekstra Ordinaryo” (4 pm – 5 pm) at Ekstra Oridinaryo Next Level na mga interactive artista search para sa mga taong gustong maging ekstra at artista sa mga palabas.

Ngayong linggo rin gaganapin ang grand PIEnals ng “Ekstra Ordinaryo Next Level.” Maglalaban na para sa titulo ang finalists na sina Mustafa (Ang Ekstrang Action Dad ng Tarlac), Popsy (Ang Ekstrang TikTokerist ng Tarlac), Juan (Ang Ekstrang Future Direktor ng Manila), Neo (Ang Ekstrang Dreamboy ng Manila), Rinoa (Ang Ekstrang Prinsesa ng Pamilya ng Cavite), at Minnie (Ang Ekstrang Adventurer ng La Union) upang matupad ang kanilang pangarap na makita sa TV o sine.

Tuwing Linggo, iba’t ibang talento naman ang ipapakita sa talk-variety show na “Pak! Palong Follow” ( 4 pm – 6 pm) na layuning ipamalas ang kakaibang mga talento ng netizens na nagbibigay sigla sa kanilang followers sa social media.

Ang PIE ang unang multiscreen, real-time interactive TV channel ng bansa, kung saan pwedeng sumali at manalo ng cash prizes ang araw-araw.   

Hanapin ang PIE channel sa pag-scan ng iyong digibox. Available rin ito sa worldwide sa website (pie.com.ph), YouTube (http://youtube.com/iampieofficial), BEAM TV, Sky Cable Channel 21, at Cablelink Channel 100. Pwede ring mapanood ang PIE live sa GLife ng GCash app. Ang PIE ay hatid ng ABS-CBN, Kroma Entertainment, BEAM, at 917Ventures.  Sundan ang PIE (@iamPIEofficial) sa Facebook, Twitter, Instagram at TikTok para sa mga update.

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 5 PHOTOS FROM THIS ARTICLE