News Releases

English | Tagalog

Loisa at Ronnie, magkakatuluyan pa ba sa "Love in 40 Days"?

October 13, 2022 AT 09:55 AM

Can Loisa and Ronnie save their relationship in the last 3 weeks of "Love in 40 Days"?

Will Jane and Edward get their happy ending? Will Edward finally find out the truth about his real mother?

Mylene, nagkukunwaring inosente sa huling tatlong linggo…

Nanganganib ang relasyon nina Jane (Loisa Andalio) at Edward (Ronnie Alonte) dahil sa lumalalim na sigalot sa pagitan nilang dalawa. Kaya pa ba nilang ipaglaban ang kanilang pagmamahalan o wala na nga ba itong pag-asa? Abangan ang ‘pamatay na ending’ sa huling tatlong linggo ng “Love in 40 Days,” gabi-gabi sa Kapamilya Channel, A2Z, at TV5. 

Tuluyan nang nakipaghiwalay si Edward kay Jane matapos nitong tanggihan ang alok niyang magpakasal at nang matuklasan niyang iniimbestigahan pa rin ni Jane si Andrea (Mylene Dizon), ang nanay ni Edward.  

Wala pa ring kamalay-malay si Edward sa patong-patong na mga krimen ni Andrea at hanggang ngayon pinipilit pa rin ni Andrea na inosente siya at gusto lang siyang siraan ni Jane. 

Ngayon na nawala ang tiwala ni Edward kay Jane, kailangan nitong makahanap ng matibay na ebidensya na magpapatunay na si Andrea nga ang mastermind ng isang sindikato at na siya rin ang may pakana sa tangkang pagpatay kay Jane noon. 

Sa kabila ng matitindi nilang pagsubok, umaasa naman si Jane na maniniwala si Edward sa kanya dahil nalaman na ni Jane na ang totoong ina ni Edward ay si Ofelia (Janice de Belen), ang matagal nang kasambahay ng pamilya ni Edward. 

Ilang taon nang inisikreto ni Ofelia ang totoo niyang identidad at sila lang ni Andrea ang may alam ng buong katotohanan. 

Magka-happy ending pa kaya sina Jane at Edward? Malalaman na ba ni Edward kung sino ang totoo niyang nanay?

Huwag palampasin ang pamatay na ending ng “Love in 40 Days,” gabi-gabi sa Kapamilya Channel, A2Z, TV5, iWantTFC, at Kapamilya Online Live sa YouTube channel at Facebook page ng ABS-CBN Entertainment. I-rescan lang ang anumang digital TV box na ginagamit sa bahay, gaya ng TVplus box, para mapanood sa TV5 at A2Z ang mga bagong episode ng “Love in 40 Days.” Mapapanood din ito sa labas ng Pilipinas sa pamamagitan ng iWantTFC at The Filipino Channel (TFC) sa cable at IPTV.

Para sa updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, TikTok, at Instagram o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.