News Releases

English | Tagalog

Mga laban sa UAAP at PBA, patuloy na mapapanood abroad sa iWantTFC

October 15, 2022 AT 11:42 AM

ABS-CBN brings more hardcourt action from the UAAP and PBA to audiences overseas

More hardcourt action awaits Pinoy hoops fans overseas as ABS-CBN continues to bring all the exciting games, highlights, and drama from the University Athletic Association of the Philippines (UAAP) and the Philippine Basketball Association (PBA)

Pakatutukan ang UAAP Season 85 at PBA Commissioner's Cup
Patuloy na mapapanood ng mga Pinoy abroad ang mga matitinding tapatan sa hardcourt dahil palabas pa rin ngayon sa iWantTFC ang mga laro sa University Athletic Association of the Philippines (UAAP) at Philippine Basketball Association (PBA).
 
Sa pagbubukas ng ika-85 na season ng UAAP, tampok muli ang mga mahuhusay na collegiate players sa iba't ibang unibersidad habang buhay na buhay muli ang school pride ng mga masusugid nitong fans.
 
Kasalukuyang lumalarga na ang men's at women's basketball tournaments nito, kung saan tatangkaing muli ng UP Fighting Maroons ang kampeonato matapos ang matagumpay nitong kampanya noong isang taon. Hindi rin pahuhuli ang NU Lady Bulldogs na patuloy buhayin ang undefeated streak nito magmula 2014.
 
Samantala, may resbak namang import players ang bawat koponan sa PBA para sa kasisimulang Commissioner's Cup, tampok sina Justin Brownlee, Earl Clark, Quincy Miller, Lester Prosper, Nick Rakocevic, Cameron Oliver, Thomas Robinson, at iba pa.
 
Pero, mas titindi ang kompetisyon sa hardcourt sa pagdating ng foreign guest team na Bay Area Dragons, sa pangunguna nina Andrew Nicholson, Myles Powell, at ng 7'5" big-man nitong si Liu Chuanxing.
 
Mapapanood ng mga Pinoy abroad ang UAAP Season 85, 15 minutes pagkatapos magsimula ang live local broadcast, tuwing Miyerkules, Sabado at Linggo ng hapon para sa men's basketball games at tuwing Sabado at Linggo ng umaga para sa women's games sa iWantTFC Premium, available para sa mga subscriber sa labas ng bansa. 
 
KEY AREAS Miyerkules, 11:15 AM PHT Sabado at Linggo, 8:15 AM PHT Sabado at Linggo, 2:15 PM PHT
Men's Basketball Women's Basketball Men's Basketball
North America PT | ET​ 8:15 PM | 11:15 PM (Martes)​ 5:15 PM | 8:15 PM​(Biyernes, Sabado) 11:15 PM (Biyernes, Sabado)​ | 2:15 AM
London | Rome​ 4:15 AM | 5:15 AM​ 1:15 AM | 2:15 AM​ 7:15 AM | 8:15 AM​
Saudi Arabia | Dubai​ 6:15 AM | 7:15 AM​ 3:15 AM | 4:15 AM​ 9:15 AM | 10:15 AM​
Hong Kong | Japan​ 11:15 AM | 12:15 PM​ 8:15 AM | 9:15 AM​ 2:15 PM | 3:15 PM​
Sydney | New Zealand​ 1:15 PM | 3:15 PM​ 11:15 AM | 1:15 PM​ 5:15 PM | 7:15 PM​
 
Maliban pa rito, ipapalabas din abroad ang school spirit tapatan sa paparating na Cheerdance Competition.
 
Palabas din ngayon overseas ang mga laro sa PBA Commissioner's Cup, live at on-demand tuwing Miyerkules, Biyernes, Sabado at Linggo sa iWantTFC Premium para sa mga subscriber maliban sa Pinas at US. May libreng 7-day access din ang bagong eligible iWantTFC Premium users.
 
 KEY AREAS Miyerkules at Biyernes, simula 3:00 PM PHT Sabado at Linggo, simula 4:30 PM PHT
Canada PT | ET​ 12:00 AM | 3:00 AM​ 1:30 AM | 4:30 AM​
London | Rome​ 8:00 AM | 9:00 AM​ 9:30 AM | 10:30 AM​
Saudi Arabia | Dubai​ 10:00 AM | 11:00 AM​ 11:30 AM | 12:30 PM​
Hong Kong | Japan​ 3:00 PM | 4:00 PM​ 4:30 PM | 5:30 PM​
Sydney | New Zealand​ 5:00 PM | 7:00 PM​ 7:30 PM | 9:30 PM​
 
 
Maaaring i-access ang iWantTFC sa website nito (iwanttfc.com) o sa official app nito sa iOS, Android, at smart devices tulad ng VEWD, ROKU, Amazon Fire, at sa ilang Android smart TVs. 
 
I-follow rin ang iWantTFC sa Facebook (fb.com/iWantTFC), Twitter, at Instagram (@iwanttfc) para sa game schedules.
 
Para sa updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, TikTok, at Instagram o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.