News Releases

English | Tagalog

ABS-CBN, ipinasilip na ang trailer sa int'l series ni Arjo na “Cattleya Killer”

October 21, 2022 AT 07:44 AM

ABS-CBN drops suspenseful trailer of Arjo's int'l series “Cattleya Killer”

After “Cattleya Killer” had its premiere screening at MIPCOM Cannes on October 19, ABS-CBN released on Thursday (October 20) the trailer of the upcoming international drama series starring Arjo Atayde.

Direk Ruel Bayani, Atayde family may Pinoy pride moment sa MIPCOM 

 

Inilabas na ng ABS-CBN nitong Huwebes (Oktubre 20) ang trailer ng “Cattleya Killer,” ang inaabangang international drama series na pinagbibidahan ni 2020 Asian Academy Creative Awards Best Actor Arjo Atayde, na layuning ipamalas ang talento at kwentong Pinoy sa mundo. 

Agaw-pansin ang trailer na itinampok agad ang bangkay ng isang babaeng may bulaklak ng Cattleya sa mukha. Gugulo sa isipan ng mga imbestigador ang kaso dahil naalala nila ang istilo ng serial killer na si Gene Rivera (karakter ni Aga Muhlach sa pelikulang “Sa Aking Mga Kamay”) na gumawa ng maraming karumaldumal na pagpaslang sa Maynila 20 taon na ang nakalipas. 

Ipinakita rin sa trailer ang ilang mahahalagang eksena sa serye na angkop mula sa 1996 Star Cinema movie na “Sa Aking Mga Kamay,” kabilang na ang pagbabalik ni Joven (Christopher de Leon) bilang ang NBI agent na hahawak sa kaso at ang pag-uusap ni Joven at anak niyang si Anton (Arjo), kung saan sinabi ni Anton na hindi copycat ang bagong killer. 

Kapansin-pansin din sa trailer na puno ng aksyon at nakakatakot na mga eksena ang “Cattleya Killer” na talagang bibihag sa atensyon ng mga manonood. 

Makikita rin sa trailer ang ibang co-stars ni Arjo tulad nina Jake Cuenca, Jane Oineza, Ria Atayde, Ricky Davao, Nonie Buencamino, Ketchup Eusebio, Frances Makil-Ignacio, Jojit Lorenzo, Rafa Siguion-Reyna, at Zsa Zsa Padilla. 

Samantala, makasaysayan naman ang naging premiere screening ng “Cattleya Killer” sa MIPCOM Cannes noong Oktubre 19 dahil ito ang unang Filipino drama na ipinalabas sa MIPCOM, ang pinakamalaking merkado ng mga palabas sa mundo. 

Dumalo sa screening ang team mula sa ABS-CBN at co-producer na Nathan Studios Inc., kabilang na sina ABS-CBN International Production head Ruel Bayani, Arjo, Ria, at ang kanilang mga magulang at co-producers na sina Sylvia at Art Atayde. 

“I would like to dedicate all our efforts to our Kapamilyas, our kababayans, the Filipinos all over the world. To champion Filipino talent in the global stage is one thing, but to provide them joy, pride, honor, and inspiration – that to ABS-CBN is a true measure of our success,” sabi ni Direk Ruel bago ang premiere screening. 

Puno naman ng pagpapasalamat si Arjo para sa “Cattleya Killer.” Aniya, “it is such an honor to be part of this. It is such a learning experience. I just want to thank all Filipinos for actually finding their way to support us today. We will continue to inspire, to bring out the message, and to just keep doing what we’re doing.” 

Pinuri rin ng netizens na nakapanood na ng trailer ang serye na mula sa ABS-CBN at Nathan Studios. 

Ani Instagram user @vincerovicc, “Someone tag those who said Philippine cinema is dead, I think ABS-CBN International Production’s ‘Cattleya Killer’ might just change your mind.” 

Sa tingin naman ni Instagram user @dpa23rd, makakasungit ng mga pagkilala ang “Cattleya Killer.”  

“Ganda. I can feel awards coming. Congrats direk [Dan Villegas] and the whole cast and crew,” komento niya. 

Sa ilalim ng direksiyon ni Dan Villegas ang “Cattleya Killer” na isinulat ni Dodo Dayao.  Executive producer naman ng serye si direk Ruel Bayani. Nakikipagsanib-pwersa rin ang ABS-CBN sa iba’t ibang partners upang mas makilala pa ang mga kwentong Pilipino at talento sa buong mundo. Sumunod ang “Cattleya Killer” sa “Almost Paradise,” ang unang American TV series na kinunan sa Pilipinas. Isa itong co-production ng ABS-CBN sa Electric Entertainment mula sa Hollywood.  

Ang iba pang proyekto ng ABS-CBN International ay ang crime family series na “Concepcion” ni Sharon Cuneta at ang prison drama na “Sellblock” na pagbibidahan naman ni Jericho Rosales.