News Releases

English | Tagalog

"It's Showtime" nanguna sa Twitter trend list, inilunsad ang "Girl on Fire"

October 26, 2022 AT 10:57 AM

Pinag-usapan ng hosts ang nalalapit na ‘Magpasikat’ performances
 

 

Kasabay ng pagdiriwang ng ika-13 anibersaryo ng “It’s Showtime,” inilunsad ang bagong segment nitong “Girl on Fire,” kung saan ipapamalas ng mga kababaihan ang kanilang kakayahan sa dance floor, habang nanguna naman sa top trending topics ang hashtag na #ItsShowtimeThe13th.

Sa episode ng show noong Lunes (Oktubre 24), napag-usapan ng mga host ang kanilang nalalapit na ‘Magpasikat’ performances na parte ng kanilang anniversary celebration. Ipinahayag rin ng mga ito ang pananabik sa pag-anunsiyo ng groupings sa ‘Magpasikat.’

Samantala, sa unang pagpapalabas ng “Girl on Fire,” nagpakitang gilas ang mga host sa dance floor, kabilang na ang Sample King na si Jhong Hilario at first-time segment host na si Jackie Gonzaga. Nakipagsabayan rin si Anne Curtis sa pagsayaw sa intro ng segment, kung saan inalala niya ang kanyang “twerking days.”

Wagi ang contestant na si Cherry Mae Bamuya bilang daily winner sa “Girl on Fire” laban kay Axel Rose Bantugan. Mag-uuwi siya ng P10,000 bilang kanyang cash prize. Nakatakda siyang bumalik sa weekly finals sa Biyernes at makipag-collab sa kanyang napiling coach na si Vimi Rivera para sa kanyang performance.

Pinuri ng mga netizens ang production value, format, at mga hurado na sina World of Dance country director Vimi Rivera, Dance Vixen Chie Filomeno, New Gen Dance Princess AC Bonifacio, at Dance Floor Dynamite Direk John Prats.

“Infairness sa #GirlOnFire. Good choice of judges so far, production is very good from stage to VTR to transitions. Plus, Jackie getting her own hosting stint,” sabi ni Twitter user @LoveMaeUmali.

“I can say na credible ang set of hurados ng Girl on Fire. At yung coach Vimi talagang very technical. Good choice si Ate Girl na daily winner for choosing him. Matututo talaga siya at mas ma-enhance ang skills,” ani user @Jhaypz072127.

Komento naman ni @d_d3fri, "Ang ganda ng camera angles and shot ng 'It's Showtime' stage sa bagong segment and the lighting is dope. #ItsShowtimeThe13th."

Bukas ang mga audition para sa mga single na babaeng mananayaw, 18 hanggang 35 taong gulang. Maaaring ipadala ang mga audition video sa ShowtimeGOF@gmail.com na may kalakip na pangalan, edad, address, at contact number ng auditionee. Maaari ding hanapin si Angelica Santos (09557899066).

Ano pa kaya ang ibang pakulo ng "It's Showtime” para sa Madlang Pipol? Panoorin sa "It's Showtime," tuwing 12:45 PM sa A2Z, Kapamilya Channel, TV5, Kapamilya Online Live, ABS-CBN Entertainment YouTube channel at Facebook page, at sa iWantTFC.

Para sa updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, at Instagram o bisitahin angwww.abs-cbn.com/newsroom.