News Releases

English | Tagalog

Kanishia, inilabas and debut EP na "Born to Cry"

October 27, 2022 AT 01:21 PM

Kanishia drops confidence-boosting debut EP "Born to Cry"

"Born to Cry" has six tracks with empowering life lessons.

Mga personal na hugot at iba’t ibang life lessons ang ibinuhos ng up-and-coming singer na si Kanishia Santos sa kanyang debut extended play (EP) na “Born to Cry.”
 
Naglalaman ng anim na kanta ang “Born to Cry” na ipinrodyus ni Star Pop label head Rox Santos.
 
Pinangungunahan ito ng key track na “Here I Am Now” na tungkol sa pagpapahalaga sa kasalukuyang oportunidad imbes na magpalamon sa mga pagsisisi ng nakaraan.
 
“You may say I’m a dreamer. Had to get it wrong to know just what I like,” saad ni Kanishia sa kanyang awitin na siya mismo ang sumulat katulong si Rox na siya namang naglapat ng musika rito.

May mensahe naman ang opening track na “Breakaway” na maging malaya at gawin ang gusto sa buhay kahit hindi ito ang nakasanayan. Ni-release ito ni Kanishia noong Hunyo bilang patikim sa kanyang mini-album.

Nais naman ipaalala ni Kanishia sa acoustic ballad na “Carry On” na gawin sandigan at lakas ang mga malalapit na tao upang magpatuloy sa buhay. Sumasalamin naman ang “Days” sa pighating dala ng paglisan ng mahal sa buhay at sa daan patungo sa paghilom ng mga sugat na iniwan nito.

Ilan pa sa awiting bahagi ng “Born To Cry” ang “Knew It Was Coming” na tungkol sa pilit na paghahanap sa kabutihan ng isang tao kahit pa maraming warning signs na ang lumilitaw.

Sa panghuling kanta na “Smile” nais ibahagi ni Kanishia ang mensahe na panatilihin ang positibong perspektibo sa buhay anumang problema ang dumating.

Napapakinggan ang “Born to Cry” sa iba’t ibang digital platforms at napapanood ang music video ng “Breakaway” sa YouTube. Para sa updates, sundan ang @starpopph sa Facebook, Twitter, at Instagram.