Joy overflowed when the songbayanan of gas station attendants won the P1 million jackpot prize in ABS-CBN’s “Everybody, Sing!” last Saturday (November 5).
Umapaw ang kasiyahan ng songbayanan ng gas station attendants matapos nilang mapanalunan ang P1 milyon na jackpot prize sa “Everybody, Sing!” noong Sabado (Nobyembre 5).
Tumaas ang tensyon sa jackpot round noong apat na segundo nalang ang natira sa timer at may isa pang kanta na kailangan nilang mahulaan ng tama. Matapos ang sunod-sunod na paghula sa loob ng natitirang oras, nakuha rin sa wakas ng gas station attendants ang tamang sagot na “Sorry.”
“Congratulations! Napakasaya ko para sa inyong lahat. Deserve na deserve ninyo ito. Napakaganda ng pangyayaring ito dahil ito ‘yung punto ng buhay natin na minsan susuko ka na, parang wala nang natitira, parang ubos na ‘yung meron ka, pero hindi eh. Kahulihulihan pinilit ninyo, inilaban ninyo, kaya naman napagwagian ninyo,” sabi ni Vice Ganda sa mga contestant na maghahati sa P1 milyon.
Ang songbayanan ng gas station workers ang pangatlong grupo na nagwagi ng P1 milyong jackpot sa pangalawang season ng “Everybody, Sing!” matapos ang songbayanan ng bank employees at beauticians.
Orihinal na konsepto ng ABS-CBN ang community singing game show na “Everybody, Sing!” na naging nominado sa Venice TV Awards at Asian Academy Creative Awards noong 2021.
Magtuloy-tuloy pa kaya ang swerte sa community singing game show? Abangan ‘yan sa “Everybody, Sing!” tuwing Sabado at Linggo, 7 pm (Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, A2Z), 9:30 pm (tuwing Sabado sa TV5), at 9 pm (tuwing Linggo sa TV5). Available rin ito sa iWantTFC, at TFC IPTV.
Para sa latest tungkol sa “Everybody, Sing!” i-follow ang @EVERYBODYSINGPH sa Facebook, Twitter, at Instagram. Para naman sa ibang balita, i-follow ang @ABSCBNPR sa Facebook, Twitter, at Instagram, o pumunta sa www.abs-cbn.com/newsroom.