Kabayan, haharurot sa tubig sakay ng jet car ngayong Linggo
Masasaksihan ng mga manonood ang sanggang dikit pagmamahalan ng kambal na sina Jovic at Jomari Francisco ngayong Linggo (Nobyembre 27) sa “KBYN: Kaagapay ng Bayan” ni Noli de Castro.
Kahit may kapansanan masigasig na nag-aaral si Jovic para maabot ang kanyang pangarap. At katuwang niya sa pagkamit nito ang kapatid na si Jomari na nagsakripisyo naman na hindi mag-aral para magsilbing paa niya sa pagpasok at pag-uwi galing sa paaralan sa Rosario, Cavite.
Ipapakita rin ng “KBYN” ang paggawa ng parol ng mga residente sa Brgy. Elias Aldana sa Las Piñas City. Patuloy na ipinapasa-pasa ang tradisyon ng paggawa ng makukulay na parol magmula sa matatanda hanggang sa mga bata.
Tunay nga ang pagkamalikhain ng mga Pilipino dahil ipapamalas ng isang pamilya mula sa Rosario, Cavite ang kanilang husay sa paggawa ng alkansyang bahay. Ang padre de pamilya na si Norlito Lamoste ay nakapundar ng kanilang sariling tahanan dahil sa paglikha at pagbebenta ng mga alkansya na ito.
Samantala, haharurot naman si Kabayan Noli sa tubig sakay ng jet car, isang sasakyang pantubig na pag-aari at inobasyon ng isang Bulakenyo na chef.
Huwag palampasin ang mga kwento ng pag-asa at inspirasyon ngayong Linggo (Nobyembre 27) sa “KBYN: Kaagapay ng Bayan” simula 5PM sa A2Z, TeleRadyo, Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, youtube.com/ABSCBNNews at news.abs-cbn.com/ mabuhay.
Para sa karagdagang balita, i-follow ang @ABSCBNPR sa Facebook, Twitter, Instagram, at Tiktok o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.