Christopher De Leon, Jake Cuenca at iba pa, kasama sa international series
Ipinakilala na ang powerhouse cast ng “Cattleya Killer,” ang bagong international project ng ABS-CBN na pinagbibidahan ni 2020 Asian Academy Creative Awards Best Actor Arjo Atayde, na layuning paningningin pa ang talento ng Pilipino sa buong mundo.
Makakasama ni Arjo sa serye na ipapalabas sa international market sina Christopher de Leon, Jake Cuenca, Jane Oineza, Ricky Davao, Nonie Buencamino, Ria Atayde, Ketchup Eusebio, Frances Makil, Rafa Siguion-Reyna, Jojit Lorenzo, at Zsa Zsa Padilla.
Bakas naman sa mukha ni Arjo ang saya na makakatrabaho niya ang ilan sa mga tinitingalang mga aktor sa bansa.
Aniya, “It’s such a beautiful cast. I’m so happy to see everyone on board. I don’t need to explain further, but I’m just excited. Remember that I’m just one of the actors for this series and we’re going to do this together.”
Para naman kay ABS-CBN International Production and Co-Production division head Ruel S. Bayani, maswerte sila na kasama si Christopher sa cast dahil bahagi siya ng 1996 Star Cinema movie na “Sa Aking Mga Kamay,” ang pinagbasehan ng adaptation ng “Cattleya Killer.”
“We’re lucky that Boyet [Christopher] is here to join us dahil to me, wala ng mas inspiring pa to have Boyet on our set. To know na may nagdudugtong from the movie to this series, at sa bagong creative energy natin sa pagku-kwento nito.”
“We’re also joined by the most professional, most talented, and most creative people in the industry,” dagdag ni direk.
Magsisimula ang taping ng “Cattleya Killer” ngayong Pebrero 2022 sa direksiyon ni Dan Villegas, habang isinulat naman ang serye ni Dodo Dayao. Magsisilbi namang executive producer si direk Ruel Bayani. Ipapalabas ito sa international audiences sa patuloy na paggawa ng ABS-CBN ng mga international project. Nakikipagsanib-pwersa rin ang ABS-CBN sa iba’t ibang partners upang mas makilala pa ang mga kwentong Pilipino at talento sa buong mundo. Sumunod ang “Cattleya Killer” sa “Almost Paradise,” ang unang American TV series na kinunan sa Pilipinas. Isa itong co-production ng ABS-CBN sa Electric Entertainment mula sa Hollywood. Para sa ibang updates, i-follow ang @abscbninternationalprod sa Facebook at Instagram.
Para sa ibang balita, i-follow ang @ABSCBNPR sa Facebook, Twitter, Instagram, at Tiktok o pumunta sa
www.abs-cbn.com/newsroom.