News Releases

English | Tagalog

Jodi nabisto na ang panloloko nina Zanjoe at Sue sa "The Broken Marriage Vow"

February 03, 2022 AT 12:01 PM

Jodi rages over Zanjoe and Sue's affair in "The Broken Marriage Vow"

Jill is preparing her next course of action as she vows to take matters into her own hands.

Pataas na nang pataas ang gigil ng mga manonood sa “The Broken Marriage Vow” ngayong nakumpirma na ni Jill (Jodi Sta. Maria) ang panloloko ng kanyang asawang si David (Zanjoe Marudo) at ng kabit nitong si Lexy (Sue Ramirez). Napapanood ang serye gabi-gabi sa Kapamilya Channel, A2Z, at TV5. 

Nanggagalaiti nga sa galit si Jill nang makita niya ang isa pang cellphone ng kanyang mister na naglalaman ng mga litrato kung saan naglalambingan sina David at Lexy. Nadurog din ang puso ni Jill dahil nadiskubre niyang trinaydor din siya ng kanyang mga kaibigan dahil matagal na nilang alam ang relasyon nina David at Lexy ngunit itinago nila ito mula sa kanya.

Kahit nasusuklam na sa asawa, wala pang balak si Jill kumprontahin si David at binawi ang desisyong palayasin ito sa bahay alang-alang sa anak nilang si Gio (Zaijian Jaranilla).

Ngunit ang hindi alam ng lahat, umpisa pa lang ito ng paghihiganti ni Jill dahil nangako siyang siya ang tatapos sa gulong sinimulan ng kanyang asawa. 

Sa pagpapatuloy ng kwento, nakatakdang magkrus ang landas ng asawa at ng kabit dahil malalaman mismo ni Lexy mula kay Jill na nagdadalang-tao siya.

Ano ang balak ni Jill para sirain ang relasyon nina David at Lexy? Paano niya tatanggapin ang balitang nabuntis ng asawa niya si Lexy?

Kinunan nang buo sa Baguio ang “The Broken Marriage Vow,” ang Philippine adaptation ng “Doctor Foster,” sa direksyon nina Concepcion Macatuno at Andoy Ranay.

Subaybayan ang “The Broken Marriage Vow” mula Lunes hanggang Biyernes, 8:40 PM sa Kapamilya Channel, A2Z, TV5, Viu, at Kapamilya Online Live sa YouTube channel at Facebook page ng ABS-CBN Entertainment. I-rescan lang ang anumang digital TV box na ginagamit sa bahay, gaya ng TVplus box, para mapanood ito sa TV5 at A2Z. Mapapanood din sa labas ng Pilipinas sa pamamagitan ng iWantTFC at The Filipino Channel (TFC) sa cable at IPTV ang “The Broken Marriage Vow.”

Para sa updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, Instagram, at TikTok o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.