Ang Pamilyang Lumilikha ng Magandang Musika para sa Matayog na Dahilan March 01, 2022 AT 01:00 PM SHARE TWEET An impressive array of huge hits and nostalgic songs make for pure fun when TFC presents the Revelation Concert Tour in the U.S. this March REDWOOD CITY, Calif. --- “Maraming bagay ang nahayag sa atin sa panahon ng pandemyang ito.” Naging nostalgic si Dingdong Avanzado sa isang panayam. Ibinahagi ng “Original Prince of Pinoy Pop” na maghahayag sila ng ilang anunsyo sa mga manonood sa kanilang “Revelation: The Concert Tour in the U.S.” ngayong Marso 12 sa Alex Theater sa Glendale at sa Marso 26 sa Fox Theater sa Redwood City, parehong nasa California. Makakasama ni Dingdong sa concert ng Revelation ang kanyang asawa, ang “Phenomenal Diva of the Philippines” na si Jessa Zaragoza, at ang kanilang anak na si Jayda. Sa pagitan nila, sina Dingdong at Jessa ay may kahanga-hangang koleksyon ng mga awitin sa loob ng tatlong dekada, kabilang ang maraming gold at platinum hits at award-winning na mga titulo. Sa tagal ng kanilang showbiz career, pinarangalan din sila ng iba't ibang award-giving bodies sa industriya tulad ng Aliw Awards, Awit Awards, Himig Handog, at ang PMPC Star Awards for Music. Family On Tour Magkasama na ang pamilya sa mga pagtatanghal dati, ngunit ayon kay Dingdong, karamihan ng mga ito ay noong bata pa si Jayda. "Si Jayda ay nasa 13 o 14 na taong gulang, at wala pa siyang sariling musika noon," kuwento ni Dingdong. "Ang tawag sa kanya ng mga tao ay anak ni Dingdong, o anak ni Jessa na mahilig kumanta." Si Jayda ay nasa hustong gulang na at nagpakita ng kahanga-hangang talento sa musika mula pa sa murang edad nang isinulat ang kanyang unang kanta noong siya ay 12 anyos. Mula noon, si Jayda ay nagsulat ng higit pang mga kanta, gumawa ng mga pakikipag-kolab sa ibang mga musikero, nagsagawa ng kanyang sariling konsiyerto, at nanalo ng ilang mga parangal. Ipinagmamalaki ni Jessa nang sabihin niyang mayroon nang sariling musika ang kanilang anak, na matuturing nang ganap na singer-songwriter ngayon. Kung tutuusin, ito ang unang pagkakataon na mag-kokonsiyerto sila bilang isang pamilya ngayong ganap nang musikero si Jayda. Pagtupad ng Misyon sa Pamamagitan ng Musika "Marami kaming mga pasabog sa show," pagbabahagi ni Jessa. Ang deklarasyon na ito ay nag-udyok sa amin upang hikayatin ang mag-asawa na bigyan kami ng konting patikim ukol sa mga bagay na ito. Ipinaliwanag ni Dingdong kung paanong ang pandemya ay nagdulot ng malungkot na pakiramdam ng pagiging isolated mula sa mga bagay na pamilyar sa tao: mga kaibigan, pamilya, kasamahan sa trabaho, at mga aktibidad sa lipunan. Ayon kay Dingdong, "Merong kawalan, at para sa akin ang pananabik na iyon ay napupuno ng relasyon natin sa Panginoon, sa pagkonekta sa mga taong mahal mo, at siyempre, sa pamamagitan ng musika." Naniniwala si Dingdong na ang musika ay isang biyaya at dapat itong gamitin para iangat at pasayahin ang buhay ng mga tao. Inaasahan niya na maipagpapatuloy nila ng kanyang asawang si Jessa at ng kanilang anak na si Jayda ang misyon na ito. Pinaliwanag din ni Dingdong na, "Ito ang napagtanto ko habang andito ako sa showbiz nang higit sa tatlong dekada na ngayon - makapangyarihan ang musika at malaki ang magagawa nito para sa bawat isa." Binigyang-diin niya na nais nilang ibahagi ang kanilang layunin na magbigay ng inspirasyon sa mga tao sa pamamagitan ng kanilang musika. Malalaman ng mga tagahanga at manonood ang iba pang mga mahahalagang ihahayag ng mga Avanzado sa concert. Ipagdiriwang ang napakaraming aspeto ng buhay nina Dingdong, Jessa, at Jayda sa “Revelation: The Concert Tour in the U.S.”. Ang unang leg ay gagawin sa ika-12 ng Marso sa Southern California sa Alex Theater, 216 N Brand Boulevard, Glendale, CA 91203. Ang mga tiket ay magsisimula sa $50 pataas. Ang mga sponsor para sa Alex Theater show ay: JIR Foundation, Ding, Yaamava Resort & Casino sa San Manuel, iSkin, Edzen, Averti, Escrow Matters, Fiesta Food, Get Assured, Inspire, Leo Bato, NAAC, Rodrigo Suerte Felipe, BayaniPay at Varsobia. Susunod naman sa Northern California sa Marso 26 sa Fox Theater, 2215 Broadway, Redwood City, CA 94063. Ang tiket para sa venue na ito ay nagsisimula sa $35. Bahagi ng kikitain para sa Fox Theater concert ay mapupunta sa ABS-CBN Foundation International para sa patuloy na rehabilitasyon para sa mga biktima ng Super Typhoon Odette. Ang Fox Theater leg ay hatid din sa iyo ng Ding at Sendwave, kasama ng mga Media Partners – Philippine News Today, Inquirer.net, FilAm Star, at Asian Journal. Pumunta sa myTFC.com/revelation para sa mga tiket at para sa karagdagang impormasyon.
Superstar Coco Martin headlines TFC Happy Hour at the Philippine Christmas (PASKO) Festival 2024 on November 17 TFCEvents
TFC premieres "Ano Na, BEV: Best Expressed Views" hosted by award-winning TFC News reporter Bev Llorente TFC
BGYO and Maymay Entrata Electrified San Francisco at TFC30 Happy Hour Celebrating TFC’s 30th Anniversary at the Pistahan Parade and Festival TFCMYX Global