News Releases

English | Tagalog

Miyembro ng TNT Boys na si Mackie Empuerto, bibigyang-buhay ang kantang “Can This Be Love”

March 17, 2022 AT 11:42 AM

TNT Boys’ Mackie Empuerto reimagines “Can This Be Love”

Coinciding with the launch of his single, Mackie also signed a contract with ABS-CBN Music, TNT Records, and Polaris Entertainment. 

Unang pagsabak bilang solo artist
 
Handa nang magpakilala bilang solo artist si Mackie Empuerto, isa sa powerful trio na bumubuo sa TNT Boys, sa unang niyang single na “Can This Be Love,” isang remake ng awiting mula kay Maestro Ryan Cayabyab na mapapakinggan na ngayong Biyernes (Marso 18).
 
Unang narinig mula sa grupong Smokey Mountain, tungkol ang “Can This Be Love” sa magic ng unang pag-ibig. Si Marvin Querido ang nag-areglo at nagprodyus ng bagong remake sa ilalim ng TNT Records.
 
Sa media launch ng kanyang kanta, ibinahagi ni Mackie na nag-alangan siya noong una na subukan ang pagkakaroon ng solo career. “Nagkaroon ng time na natakot po akong mag-explore pero naniwala po ako sa sarili ko at sa kakayanan ko,” kwento niya.
 
Sinabi rin ng 16-anyos na Kapamilya talent na naniniwala siyang ang “Can This Be Love” ang bagay na kanta para sa kanyang edad at marami rin ang pwedeng maka-relate dito.
 
Sa tanong kung naranasan na ba niya ang magmahal tulad ng nakalarawan sa kanta, inamin niya na na-inspire siya ng mga crush niya sa pagrekord nito. Aniya, “I think it’s normal naman po na magkaroon ng crush lalo na po na teenager ako ngayon. Isa po ‘yun sa mga pinaghugutan ko po, ‘yung mga crush ko.”
 
Kasabay ng paglunsad niya ng nasabing awitin, pumirma na rin ng kontrata si Mackie sa ABS-CBN Music, TNT Records, at Polaris Entertainment. 
 
Masaya ang naging pagtanggap ni ABS-CBN Music creative director Jonathan Manalo kay Mackie bilang bagong miyembro ng ABS-CBN Music family. “Nakaka-excite kasi naniniwala kami sa pwede mo pang gawin as a singer. With the talent that you have, alam namin na malayo pa ang mararating mo,” mensahe niya para kay Mackie.
 
Ayon naman sa TNT Records at Polaris Entertainment head na si Reily Santiago, naniniwala sila sa talento ni Mackie na gusto nilang ibahagi sa mas marami pang music fans. Aniya, “Alam naman natin ang achievements ni Mackie at ang talento niya and we just want to share that. Abangan nyo ang gift niya sa kanyang fans!” 
 
Nakilala hindi lang bilang mang-aawit, isa ring dancer at aktor si Mackie na naging finalist sa “Tawag ng Tanghalan Kids” na nagtulak sa kanya na maging bahagi ng matagumpay na TNT Boys. Bukod sa musika, pinasok din niya ang mundo ng pag-arte at nagwagi bilang Best Child Actor of the Year sa Urduja Film Festival 2019 para sa pelikulang “Bakwit Boys.” Magpapatuloy rin siya bilang miyembro ng TNT Boys.
 
Balikan ang unang pag-ibig, pakinggan ang “Can This Be Love” ni Mackie simula Biyernes (Marso 18). Para sa iba pang detalye, i-like ang Star Music sa Facebook (www.facebook.com/starmusicph) at sundan ito sa Twitter at Instagram (@StarMusicPH).

PHOTOS

Jonathan Manalo, Mackie Empuerto, Reily Santiago, and Jemuel Salterio (1)

ABS-CBN Music creative director Jonathan Manalo, Mackie Empuerto, TNT Records and Polaris Entertainment head Reily Santiago, and Mackie's manager Jemuel Salterio

Jonathan Manalo, Mackie Empuerto, Reily Santiago, and Jemuel Salterio (2)

ABS-CBN Music creative director Jonathan Manalo, Mackie Empuerto, TNT Records and Polaris Entertainment head Reily Santiago, and Mackie's manager Jemuel Salterio

DOWNLOAD ALL 6 PHOTOS FROM THIS ARTICLE