News Releases

English | Tagalog

Napuno ng Revelation: The Concert ang Alex Theater, nagbigay-kasiyahan sa mga manonood na sabik na sabik na sa live shows

March 17, 2022 AT 10:25 AM

Revelation: The Concert packed the Alex Theater, satisfying audiences’ craving for live events

Next stop for sing-along songs and danceable tunes at the Fox Theatre in Redwood City, California on March 26

GLENDALE, Calif.  --- Napatunayang talagang pinananabikan ang pagbabalik ng ABS-CBN International at TFC Events sa mga live na palabas dahil sa mainit na pagtanggap sa Los Angeles show ng Revelation: The Concert Tour sa U.S. Sinalubong sina Dingdong Avanzado, ang kanyang asawang si Jessa Zaragoza, at ang kanilang anak na si Jayda ng napakaraming mga tagahanga mula sa iba't ibang bahagi ng California, ang ilan ay nagmula pa sa Arizona.
 
Malinaw na inaabangan ng madla ang mga live na palabas pagkatapos manatili sa bahay nitong nakaraang dalawang taon mula nang magsimula ang pandemya. Masayang idineklara ni Annabel De Leon ng Rancho Cucamonga, "Sa wakas nagkaroon kami ng pagkakataon na magsama-sama at magkaugnay."
 
Tiniyak ni Avanzado sa mga tao na ang tanging nararapat nilang gawin noong gabing iyon ay ang magsaya. At talaga naming todo ang kasiyahang  naramdaman ng mga nanood ng konsiyerto, lalo pa’t napakaraming mga kanta ang nagdala sa kanila sa memory lane.
 
Napakanta at napasayaw ng original Prince of Filipino Pop na si Avanzado, at ng kanyang asawa na si Zaragoza, naturingang Phenomenal Diva of the Philippines, ang mga manonood. Tuwang-tuwa silang sumabay sa mga masasayang awiting nakalakihan nila.
 
Isa ring napakalaking rebelasyon ang kanilang anak na si Jayda, na nagpatunay na siya ay isang artist of substance habang kinanta nito ang mga awitin  mula sa kanyang opisyal na debut album. Si Jayda rin mismo ang tumugtog ng piano at ng gitara habang kinanta niya ang kanyang mga awitin. Talagang naipakita niya ang kanyang angking husay sa kanyang musika.
 
Palaging mantra ni Jayda ang pagpapaunlad at pag-perpekto sa kanyang sining. Ipinaliwanag niya na para sa kanya, ang pinakamataas na anyo ng papuri ang pagkilala ng mga tao sa kanyang kasiningan, lalo na’t talagang pinaghihirapan niya ito.
 
Ani Fely Pasamba ng Los Angeles ay nag-enjoy sila sa concert lalo na’t mahilig siyang sumayaw at mahal nila sila Jessa at Dingdong, at pati na rin ang anak nilang si Jayda.
 
Si Pearl Sarabia naman ng Fontana ay sinabing lubos silang nagalak kahit na napanood na nila dati si Dingdong. Iba daw ang show na ito dahil buong pamilya ang kasama ni Dingdong.  “It’s a great show,” ayon sa kanya.
 
Ibinahagi ni Ed Rame, na mula rin sa Los Angeles, na madarama mo ang inspirasyon na bumabalot sa buong teatro na tunay na nagdulot ng labis na kagalakan. Idinagdag niya na ang Revelation ay isang well-conceptualized na konsiyerto, na-execute nang maayos at mahusay na ginampan ng mag-anak.
 
Ito ay isang gabi ng kasiyahan at maraming kamangha-manghang mga paghahayag.
 
Binigyang-diin din ni Annabel ng Rancho Cucamonga kung gaano ka-refreshing ang palabas. Sinabi rin niya na ang concert ay isang magandang paalala na ang Diyos ay palaging tapat, at damang-dama ang mensaheng iyon nung gabi ng konsiyerto.
 
May isa pang pagkakataon ang mga madla na maranasan ang saya at malaman ang marami pang iba pang mga paghahayag na ibubunyag kapag ang Revelation ay pumunta sa Northern California sa Marso 26 sa Fox Theatre, 2215 Broadway, Redwood City, CA 94063. Ang mga tiket ay nagsisimula sa $25 pataas. Bahagi ng kikitain para sa Fox Theatre show ay mapupunta sa ABS-CBN Foundation International para sa patuloy na rehabilitasyon para sa mga biktima ng Super Typhoon Odette.
 
Ang palabas sa Marso 26 ay hatid sa iyo ng Ding.com at Sendwave, kasama ang Media Partners – Philippine News Today, Inquirer.net, FilAm Star, at Asian Journal.
 
Magtungo lamang sa myTFC.com/revelation para sa tiket at karagdagang-impormasyon.