News Releases

English | Tagalog

Hopefuls ng “My Papa Pi,” makikilala na ngayong Sabado

March 18, 2022 AT 06:25 PM

Meet the hopefuls of “My Papa Pi” this Saturday

Follow the story of twins Pipoy (Piolo) and Popoy (Pepe) and Tere (Pia), the woman that completes the love triangle starting March 19, 7 pm on Kapamilya Channel, A2Z, Kapamilya Online Live on Facebook and YouTube, iWantTFC, and TFC.

Piolo, Pepe, Pia, at buong cast, sabay manonood ng premiere episode

Parating na ang bagong magpapasaya sa sambayanang Pilipino sa pagsisimula ng “My Papa Pi” ngayong Sabado (Marso 19) tampok ang “hopefuls” ng Mapag-asa Street sa pangunguna nina Piolo Pascual, Pepe Herrera, at Pia Wurtzbach.

Matutunghayan na ang kwento ng kambal na sina Pipoy (Piolo) at Popoy (Pepe) at ang babaeng magpapa-ibig sa kanilang dalawa na si Tere (Pia) bukas ng 7 pm sa Kapamilya Channel, A2Z, Kapamilya Online Live sa Facebook at YouTube, iWantTFC, at TFC.

“My name is Pipoy Papa. Kambal ko si Pepe Herrera. Meron kaming tumbungan kaming kambal tapos meron akong anak si Mikay, na mahal na mahal ko. Marami kaming pangarap sa buhay kaso sa kasamaang palad may nangyari sa kambal ko and I had to do something para matuloy ‘yung legacy namin na tumbungan,” pagpapakilala ni Piolo sa kanyang karakter.

Sa teaser na ipinalabas ng Star Creatives Television kamakailan lang, ibinunyag na nga na ang kambal na magkaiba ay magiging isa matapos ang biglaang pagpanaw ni Popoy. Mabuko kaya ang lihim nila ni Tere at ng mga kasama nila sa Mapag-asa Street?

Sa ipinasilip na script reading ng cast, ibinida naman ng direktor ng “My Papa Pi” na si Cathy Garcia-Molina ang mga makakasama nina Piolo, Pepe, at Pia sa kanilang sweetcom na sina Joross Gamboa, Katya Santos,  Hyubs Azarcon, Anthony Jennings, Daniela Stranner, Frenchie Dy, Alora Sasam, Allyson Mcbride, Anthony Andres, Quincy Villanueva, Haiza Madrid, at Madam Inutz.

“Hindi lang naman si Piolo at si Pepe at si Pia ang bida dito. But the entire community, the hopefuls. So they are as important as them. It’s going to be entertaining for all of you,” ani ni Direk Cathy.

Tulad ng mga karakter sa kanilang palabas, matibay na rin ang samahan ng cast at crew ng programa na ilang buwan ding nagsama sa lock-in taping, kung saan nagtayo talaga sila ng set na nahahawig sa lugar kung saan totoong patok ang tumbungan.

Bago pa ang Sabado, sabay-sabay nilang panonoorin ang unang episode ng “My Papa Pi” ngayong Biyernes (Marso 18) kung saan ang iba ay magkakasama ng pisikal habang ang iba ay nasa zoom. Una na ring nasilip ng fans ang premiere episode ng kanilang show 48 hours in advance noong Marso 17 sa iWantTFC.

Mapapanood ang “My Papa Pi” tuwing Sabado ng 7 pm simula bukas (Marso 19) sa Kapamilya Channel, A2Z, Kapamilya Online Live sa Facebook at YouTube, iWantTFC, at TFC. Sundan ang Star Creatives sa Twitter Facebook, at Instagram  para sa updates. 

Para naman sa ibang balita sa ABS-CBN, i-follow ang @ABSCBNPR sa Facebook, Twitter, Instagram, at TikTok o pumunta sa www.abs-cbn.com/newsroom.