Mga pelikula ng Klima Film Festival tungkol sa climate change, napapanood na rin
Palabas ngayon sa iWantTFC ang nanalong Best Film sa 2021 Klima Film Festival (KFF) na tungkol sa isang babaeng pumunta sa Mars upang iligtas ang planet Earth.
Libreng napapanood sa Pilipinas sa iWantTFC ang “Viridescent,” isang sci-fi film tungkol sa isang babaeng scientist na mapipilitang ipagpatuloy nang mag-isa ang isang importanteng misyon sa Mars upang mailigtas ang planet Earth pagkatapos niyang hindi makasundo ang isang software engineer. Nanalo ito ng Best Film sa KFF at tatlong major awards – ang Best in Climate Advocacy, Best Production Design, at Best Cinematography.
Ang KFF ay inilunsad ng Climate Change Commission at ng Oscar M. Lopez (OML) Center noong 2020 para ipakita ang epekto ng climate change sa mundo sa pamamagitan ng kapanapanabik na mga pelikula na nilikha ng mga kabataang Pilipino. Ang KFF ay bahagi ng "Balangay Project" ng OML Center na nagnanais na isalaysay ang mga kwento ng klima sa kontektso ng karanasan ng mga Pilipino.
Ang first runner-up na “Sigalot sa Pagitan ng Tao at Kalikasan” ay tungkol sa tatlong magkakapatid na mapupuna dahil sa kagustuhan nilang alagaan ang kalikasan. Nariyan din ang pelikulang “Tanaw” na itinanghal na second runner-up na tungkol naman sa isang batang babae na magkaka-interes sa konsepto ng quarrying.
Napapanood din ang 2021 KFF finalist na “Modern Stray,” kabilang na rin ang sampung 2020 KFF finalists na “Drawings,” “Grow My Mind,” “Jeremiah at ang Bayan ng Gomorrah,” “Liham,” “Litrato,” “Our World,” “Resilience,” “Si Hiraya at ang Diwa,” “Tinig,” at “Verdant.”
Mapapanood ang mga pelikulang ito gamit ang iWantTFC app (iOs and Android) at website (iwanttfc.com). Available na rin ang iWantTFC via Chromecast at Airplay. Para sa kumpletong listahan ng compatible devices, sign in instructions, at account activation, bisitahin ang https://iwanttfc.com/help#tfc-on-smart-tv.
Para sa updates, i-like ang www.facebook.com/iWantTFC, sundan ang @iwanttfc sa Twitter at Instagram, at mag-subscribe sa www.youtube.com/iWantTFC. Kung may mga katanungan naman, ipadala ang mga ito sa Facebook page ng iWantTFC o mag-e-mail sa support@iwanttfc.com.