Mapapanood muli ng mga Pinoy sa labas ng bansa ang University Athletic Association of the Philippines (UAAP) simula Mayo 4 (Miyerkules) matapos makipag-sanib pwersa ang ABS-CBN Global sa Pilipinas Global Network Limited (PGNL) at Cignal TV Inc. para ihatid ang mga kapanapanabik na laro kabilang ang pinakaaabangang collegiate basketball at volleyball seasons.
Inanunsyo ito ng UAAP noong Linggo (Mayo 1) sa pagbubukas ng UAAP Season 84 Women’s Volleyball.
Dahil dito, mapapanood na ng subscribers ng iWantTFC sa labas ng Pilipinas sa iba’t ibang dako ng mundo ang mga palabas sa sports cable channel ng Cignal na The UAAP Varsity Channel, kabilang ang mga laro sa UAAP at mga programa nitong "Step Up" at "School Spirit."
Alamin kung maidedepensa ng Ateneo Blue Eagles, sa pangunguna nina Ange Kouame, SJ Belangel, at Dave Ildefonso, ang tropeo sa pagsisimula ng UAAP Men's Basketball Final Four simula Mayo 4 sa iWantTFC, 15 minutes pagkatapos magsimula ang live broadcast sa The UAAP Varsity Channel sa ganap na 6 ng gabi.
Samantala, magbubukas na rin ang panibagong volleyball season ng UAAP, tampok ang women's teams mula sa Adamson University (AdU), Ateneo de Manila University (ADMU), Far Eastern University (FEU), National University (NU), University of the East (UE), University of the Philippines (UP), University of Santo Tomas (UST), at host school De La Salle University (DLSU), na mapapanood din simula Mayo 5 (Huwebes) sa iWantTFC, 15 minutes din matapos magsimula ang live broadcast sa The UAAP Varsity Channel simula 10 AM.
Buhayin ang school pride at pakatutukan ang global streaming ng UAAP Season 84 sa iWantTFC para sa mga viewer at subscriber sa labas ng bansa.
Maaaring i-access ang iWantTFC sa website nito (iwanttfc.com) o sa official app nito sa iOS, Android, at smart devices tulad ng VEWD, ROKU, Amazon Fire, at sa ilang Android smart TVs.
Para sa updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, TikTok, at Instagram o bisitahin ang
www.abs-cbn.com/newsroom.