News Releases

English | Tagalog

Balikan ang mga kapana-panabik na collab ngayong Linggo sa 'ASAP Natin 'To'

May 26, 2022 AT 02:43 PM

Look back on the hottest 'ASAP Natin 'To' collabs this Sunday

Let's look back on the hottest collaborations with sought-after Pinoy talents

Abangan din ang ilang pasabog na best-of-the-best treats

Umulan man o umaraw, tuloy-tuloy pa rin ngayong Linggo (Mayo 29) ang best-of-the-best party mula sa longest-running musical variety show sa bansa, "ASAP Natin 'To" sa Kapamilya Channel, A2Z, at TV5.

Balikan ang mga kapana-panabik na collab ng inyong ASAP idols kasama ang paborito ninyong OPM artists, tulad ng jamming kantahan nina Martin Nievera, Ogie Alcasid, at The Juans; pati na ang kilig performance nina KD Estrada at Alexa Ilacad kasama si Adie.

Taas-noo nating ipagmalaking muli ang mga bigating Pinoy acts na kinagiliwan ninyo noon sa ASAP stage, kabilang ang anniversary pasabog ng BGYO kasama si Darren at Gary Valenciano; pangmalakasang duet nina KZ at Gigi de Lana; at ang bonggang trio tapatan nina Zsa Zsa Padilla, Yeng Constantino, at Regine Velasquez.

Maki-awit at hataw sa best-of-the-best dance hits medley nina Janine Gutierrez, Jameson Blake, Seth Fedelin, Charlie Dizon, Krystal Brimner, Jeremy G, Lara Maigue, Jason Dy, at ang buong "ASAP Natin 'To" family.

Todo-bigay muli ang mainit-init na dance showdown nina AC Bonifacio, Francine Diaz, Maris Racal, Loisa Andalio, Ronnie Alonte, Edward Barber, at Enchong Dee.

Balikan din ang rock-and-roll biritan ng New Gen Birit idols na sina Sheena Belarmino, Reiven Umali, Janine Berdin, JM Yosures, at Elha Nympha; at ang trio kantahan nina Bamboo, Jona, at KZ.

At pakatutukang muli ang bonggang '70s tapatan nina Gary V., Zsa Zsa Padilla, Nina, Erik Santos, Ogie Alcasid, at Regine Velasquez sa "The Greatest Showdown."

Tara na at maki-party kasama ang paborito ninyong Kapamilya stars sa Best Variety Program ng 19th Gawad Tanglaw, "ASAP Natin 'To," ngayong Linggo, 12 ng tanghali sa local TV sa Kapamilya Channel, Jeepney TV, A2Z, at TV5, online sa Kapamilya Online Live at iWantTFC, at worldwide via TFC.

Para mapanood ito sa TV5 at A2Z, i-rescan lang ang digital TV box na ginagamit sa bahay, gaya ng TVplus.

Para sa updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, TikTok, at Instagram o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.