Ipinapakita ng OPM band na Kiss n Tell ang iba't ibang mukha ng isang relasyon sa debut EP nila na "Ikuwento Natin," na may limang original songs na isinulat ng mga miyembro ng banda na sina Joshua Ortiz and Aniceto Cabahug III at kumuha ng inspirasyon sa mga kwento ng mga tao sa paligid nila. Bukod sa "Huling Pahina," "Lundag," "Exsena," at "Bahaghari," kasama rin sa EP mula sa DNA Music at prinodyus ni Eunice Jorge ng Gracenote ang bagong awitin na "Paraya" tungkol sa pagtanggap sa pagtatapos ng relasyon at paghangad ng kasiyahan para sa dating minamahal.