Fans raved about LoiNie's cute encounter and the relatability of the series as #L40DFirstDay made the list of trending topics in the Philippines.
Sabik na sabik ang fans sa pagpapakilig nina Loisa Andalio at Ronnie Alonte matapos mag-trending sa social media ang pilot episode ng pinakabagong ABS-CBN teleserye na “Love in 40 Days” noong Lunes (Mayo 30).
Inaabangan na ng mga manonood ang pagsisimula ng love story nina Jane (Loisa) at Edward (Ronnie) pagkatapos nilang masaksihan ang nakakakilig na pagkikita ng dalawa nang protektahan ni Edward si Jane mula sa isang lalaki.
Ibinahagi ng netizens na bukod sa nakakakilig na mga eksena, nakaka-relate rin sila sa mga pinagdadaanang mga hamon sa buhay ng mga bida, kaya naman nag-trending sa Twitter Philippines ang #L40FirstDay.
Komento ni Jane Bacquiano sa YouTube, “yes sa simula pa lang ka kilig. Inaabangan ko yung may eksena kissing scene..Grabe ang galing nyo jane&edward pamatay kilig tlga..”
“Sobrangggg worth it na maghintay kung ganon naman kaganda ang palabas at kagaling ang mga umaacting! Madami ka talagang mapupulot na aral dito sa character ni @iamAndalioLoisa, sa pagiging ate, breadwinner ng pamilya at mga hamon sa buhay. Araw araw namin tong aabangan #L40DFirstDay,” sabi naman ni Twitter user @marjTancinco.
“Ibang-iba na talaga ang atake nila sa bawat eksena, improving..grabe magpakilig! Good job bebe Loisa @iamandalioLoisa LoiNie, congrats! #L40DFirstDay,” tweet ni @MyLOVE4LOISA.
Sa mga susunod na episode, muling magtatagpo sina Jane at Edward matapos maaksidente at maging isang multo si Jane. Paano magiging hadlang si Jane sa planong pagpapatayo ni Edward ng kanyang restobar?
Subaybayan ang “Love in 40 Days” gabi-gabi ng 10 PM sa Kapamilya Channel, A2Z, TV5, Kapamilya Online Live sa YouTube channel at Facebook page ng ABS-CBN Entertainment, at iWantTFC. I-rescan lang ang anumang digital TV box na ginagamit sa bahay, gaya ng TVplus box, para mapanood sa TV5 at A2Z ang mga bagong episode ng “Love in 40 Days.” Mapapanood din ito sa labas ng Pilipinas sa pamamagitan ng iWantTFC at The Filipino Channel (TFC) sa cable at IPTV.
Para sa updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, Instagram, at TikTok o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.