“Lagi” is a colorful pop song that highlights all the magical and exciting feelings that the presence of a new lover brings to one’s life.
Nanguna sa iTunes PH at YouTube trending pa!
Makulay at makabagong era ang handog ng P-Pop girl group na BINI sa kanilang pinakabagong single na “Lagi,” isang upbeat love song na nag-number 1 sa iTunes Philippines at napasama rin sa iba’t ibang Spotify editorial playlists.
Isang makulay na pop song ang “Lagi” na ipinapakita ang lahat ng mga nakaka-excite na pakiramdam na dala ng pagkakaroon ng bagong pag-ibig. Mayroong nakakahumaling na chorus at hook ang kanta na isinulat at kinompose ni Louie Canaria at inareglo ni Ramiru Mateo. Si ABS-CBN Music creative director Jonathan Manalo naman ang nanguna sa vocal production nito.
Bukod sa pangunguna sa iTunes chart sa Pilipinas pagkatapos itong i-release, nakasama rin sa New Music Friday Philippines ang kanta at napabilang din sa iba pang editorial playlist gaya ng P-Pop on the Rise at RADAR Philippines sa Spotify.
Samantala, tuloy lang sa pagpapamalas ng kanilang signature charm ang BINI members na sina Aiah, Colet, Maloi, Gwen, Stacey, Mikha, Jhoanna, at Sheena sa
music video ng “Lagi,” na kinunan sa Dessert Museum sa Pasay at swak na swak sa masayang vibe at emosyon na hatid ng kanta.
Nito lang Biyernes (Hunyo 24) inilabas ang music video at sa kasalukuyan ay mayroon na itong mahigit 175,000 views at nakaabot din sa #20 ng mga trending na kanta sa YouTube. Sa Spotify naman, mayroon na itong 50,000 all-time streams.
Kasama ang BGYO, isa ang BINI sa sibling P-Pop groups ng ABS-CBN na patuloy sa pagkamit ng iba’t ibang pagkilala at nangunguna na rin bilang girl group sa bansa isang taon lang matapos silang mag-debut. Tinaguriang “Nation’s Girl Group” ayon sa kanilang fans, naitampok kamakailan ang BINI sa respetadong music at pop culture magazine na Rolling Stone pati na sa isang digital billboard sa Times Square sa New York dahil sa pagiging isa sa mga artist ng 2022 RADAR program ng Spotify.
Bago ang “Lagi,” inilabas ng grupo ang summer single nilang “Pit A Pat” pati na ang music video para sa TikTok-trending nilang kanta na “Na Na Na.” Ngayong Hulyo 15, makakasama nila ang BGYO at iba pang P-Pop groups sa Tugatog Filipino Music Festival pati na sa “Be You” benefit concert kasama ang K-Pop girl group na Red Velvet sa Hulyo 22, na parehong gaganapin sa MOA Arena.
Samahan ang BINI na kulayan ang iyong buhay at pakinggan ang “Lagi” sa iba’t ibang
music platforms at panoorin ang
music video nito sa YouTube! Kumuha ng updates tungkol sa BINI at sundan ang BINI_ph sa Facebook, Twitter, at Instagram, at mag-subscribe na sa YouTube channel nilang
BINI Official.