Mainit na tinanggap ng manonood lalo na ng netizens ang bagong season ng Idol Philippines nitong Sabado (Hunyo 24) at Linggo (Hunyo 25) kung saan napanood ang pagsungkit ng 17 anyos na Batangueña na si Kimberly Baculo ng kauna-unahang platinum ticket.
Napabilib nga ng dalaga ang judges na sina Regine Velasquez, Moira dela Torre, Chito Miranda, at Gary Valenciano sa kanyang interpretasyon ang bersyon ni KZ Tandingan na "Isang Linggong Pag-ibig."
Ipinakilala sa bagong season ang platinum ticket, kung saan ang mga nabigyan nito ay lulusot na sa unang dalawang round ng kompetisyon at dederecho na sa Solo Round. Tig-isang platinum ticket lang ang pwedeng maibigay nina Regine, Moira, Chito, at Gary sa audition rounds.
Sa unang linggo ng auditions, pinalad sina Misha de Leon, Dave Maramag, Ann Raniel, Jarae Ifurung, at PJ Fabia na makuha ang golden ticket para umusad sa susunod na round ng kompetisyon.
Trending nga sa Twitter nitong weekend ang#TheNextIdolPH, #IdolPHisBack,mga pangalan ng online host at judge pagkatapos dumagsa ang magagandang papuri sa mga hurado at sa programa.
Komento ni @riseandpaul, "Perfect combination ang@idolphilippinesjudges this season. Ganda ng insights at comments ni@chitomirandajr, dasurv maging idol judge."
"I really love the new set of judges now and the studio ang liwanag ang saya panuorin...ang kwela ng mga judges lalo yung dalawa sina RV at Sir Chito@idolphilippines," saad ni @nadine_rv_mugas.
Abangan ang pagsisimula ngIdol Philippines Season 2 sa pagkakasundo nito Uplive. Sa karagdagang updates sa bagong season, i-follow ang@idolphilippines sa Facebook, Twitter, Instagram, at Uplive, at magsubscribe sa YouTube channel ng Idol Philippines. I-follow din ang Maari rin nilang bisitahin ang Facebook (Uplive Philippines), o Instagram (uplive.philippines) account ng Uplive o i-download ang kanilang app (www.tinyurl.com/DownloadUplive