News Releases

English | Tagalog

Knowledge Channel, layong magsanay ng mga guro sa pagtuturo ngayong new normal

July 14, 2022 AT 05:27 PM

Knowledge Channel strengthens partnership with industry-leading brands to enhance PH education

Knowledge Channel explores more partnerships with industry-leading brands from banking and technology plus non-profit agencies to enhance the current situation of PH education

Katuwang ang BDO Foundation at Huawei 

Layunin ngayon ng Knowledge Channel Foundation Inc. (KCFI), katuwang ang mga naglalakihang institusyon sa bansa, ang pagsasanay sa pagtuturo ng mga guro ngayong kasagsagan ng blended learning sa online training program nitong “Knowledge Channel Teaching in the New Normal.”  

Sa pakikipag-ugnayan kasama ang BDO Foundation at Huawei Technologies, isasagawa ng Knowledge Channel ang naturang three-day training activity para makatulong sa mga guro at principal mula sa 100 pampublikong eskwelahan ng tamang pagtuturo sa mga estudyante ngayong pandemya.   

Pinasinayaan ng KCFI, sa pangunguna ng president at executive director nitong si Rina Lopez-Bautista at director for opetations na si Edric Calma, kasama sina BDO Foundation president Mario Deriquito, human resources director ng Huawei na si Peter Zhang, at ng ilang opisyal mula sa Department of Education (DepEd) ang anunsyong ito.   

Maliban sa online training program na tatakbo hanggang Disyembre 2022, magtutulungan din ang KCFI, BDO Foundation, at Huawei sa pag-prodyus ng interactive Math video lessons para sa Grade 1 students hanggang Marso ng susunod na taon.    

Una nang nakipag-ugnayan ang KCFI sa BDO Foundation, katuwang ang DepEd at Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) sa “Financial Education,” tampok ang video lessons na nagtuturo ng kahalagahan ng financial literacy para sa mga nakababatang mag-aaral.   

Samantala, nakiisa rin ang Knowledge Channel sa Isla Lipana & Co. Foundation, Inc. (ILCFI) para pahalagahan ang pagtuturo ng mabuting kaugaliang Pilipino sa kabataang Pinoy. Sa contest nitong “Our Values Photo-Story Contest,” ang mga lalahok na entry ay mapapabilang sa Knowledge Channel Portable Media Library (KCPML) na makikita ng mga guro at mag-aaral na may access nito. 

Para sa karagdagang educational materials at mga updates patungkol sa Knowledge Channel, bisitahin lamang ang knowledgechannel.org o magtungo lamang sa Facebook page at YouTube channel (youtube.com/knowledgechannelorg) nito.