Parokya ni Edgar frontman and Idol Philippines Season 2 judge Chito Miranda serenades the viewers with his band's timeless romantic hits alongside co-judges and ASAP's finest singers Gary Valenciano and Regine Velasquez.
Abangan din ang pasabog nina Felip ng SB19, Darren, at KZ
Live na live muli ang pag-arangkada ng maiinit na world-class treats mula sa paborito ninyong Kapamilya stars at guest artists ngayong Linggo (Hulyo 31) sa "ASAP Natin 'To" sa Kapamilya Channel, A2Z, at TV5.
Maki-harana kasama ang Parokya ni Edgar frontman at Idol Philippines Season 2 hurado na si Chito Miranda kasama sina Gary Valenciano at Regine Velasquez, at umindak din sa Pinoy pride performance nina Darren, KZ, at Felip ng SB19 kasama ang buong pwersa ng Maneouvres Ignite, Urban Crew, at XB Gensan.
Uulan din ng saya sa rainy hits kantahan at sayawan nina, Jameson Blake, Joao Constancia, Jin Macapagal, Jeremy G, Vivoree Esclito, Karina Bautista, Krystal Brimner, at ng buong "ASAP Natin 'To" family kasama rin ang FLEX boys na sina Laziz Rustamov, Andrei King, Wize Estabillo, Aleck Iñigo, at Anthony Barion. Makiki-party rin sina Robi Domingo at ang cast ng "Connected" na sina Kobie Brown, Andi Abaya, Amanda Zamora, Gail Banawis, and Richard Juan.
Paiinitin din nina Chie Filomeno at Maymay Entrata ang inyong weekend sa kanilang nagbabagang dance showdown kasabay ang D-Grind, habang hindi rin pahuhuli sa hatwan ang BINI kasama si AC Bonifacio.
Abangan din ang ilang pasabog na collab sa ASAP stage, tulad ng duet kantahan nina Bamboo at Janine Gutierrez, at ang The Corrs biritan nina Regine at Zsa Zsa Padilla kasama sina Anji Salvacion at Loisa Andalio.
May acoustic kantahan din ng James Taylor hits sina Martin Nievera, Ogie Alcasid, Angeline Quinto, Klarisse de Guzman, Morissette, Jason Dy, at Nyoy Volante kasama ang gitaristang si Ric Mercado.
At huwag palampasin ang bigating duet showdown nina Gary V., Martin, Zsa Zsa, Morissette, Ogie, at Regine kasama ang New Gen Birit Singers na sina Elha Nympha, Fana, JM Yosures, Sheena Belarmino, Reiven Umali, at Sam Mangubat sa "The Greatest Showdown."
Maki-party na kasama ang longest-running musical variety show sa bansa, ang "ASAP Natin 'To," live na live ngayong Linggo, 12 ng tanghali sa local TV sa Kapamilya Channel, Jeepney TV, A2Z, at TV5, online sa Kapamilya Online Live at iWantTFC, at worldwide via TFC.
Para mapanood ito sa TV5 at A2Z, i-rescan lang ang digital TV box na ginagamit sa bahay, gaya ng TVplus.
Para sa updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, TikTok, at Instagram o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.