
Nakasungkit ang ABS-CBN ng tatlong nominasyon sa prestihiyosong ContentAsia Awards 2022 na layuning ipagdiwang at kilalanin ang galing ng local production sa Asya.
Nakatanggap din ng nominasyon ang lead star na si Jodi Sta. Maria sa Best Female Lead in a TV Programme kabilang ang mga aktor mula sa Malaysia, Thailand, at Taiwan.
Samantala, nasa listahan din ng mga nominado para sa Best Asian Comedy Show ang “My Papa Pi” nina Piolo Pascual at Pia Wurtzbach na lalaban sa mga nominado naman mula sa Thailand, Malaysia, Indonesia, at Taiwan.
Gaganapin ang awarding ceremony sa Agosto 26 (Biyernes) sa Bangkok, Thailand na magkakaroon ng livestream sa Facebook. Pagmamay-ari ang ContentAsia Awards ng ContentAsia, isang information platform na handog ang balita at impormasyon tungkol sa Asian content.