News Releases

English | Tagalog

Master Hanz, magbibigay ng tips para sa “Lucky Home” sa bagong FYE channel show sa YouTube

August 12, 2022 AT 03:16 PM

Bahay ni Ivana Alawi sa Bahrain, tampok ngayong August 19

Dadalhin ni Master Hanz Cua sa For Your Entertainment o FYE Channel sa YouTube ang pagiging eksperto niya sa Feng Shui sa bagong online show na “Lucky Home,” na layuning gabayan ang mga manonood kung paano nila mapapasok ang swerte sa kanilang tahanan sa tulong ng Feng Shui.

Tampok sa “Lucky Home with Master Hanz Cua” ang pagre-review ng Chinese astrology guru sa mga bahay ng iba’t ibang personalidad at pagpapaliwanag niya kung swerte o malas ba ang ilang bahagi ng bahay. Magsasabi rin siya ng mga rekomendasyon kung paano mapapalakas ng mga homeowner ang daloy ng swerte sa bawat sulok at gamit para makagawa ng good Feng Shui sa kanilang tahanan.

Para sa premiere episode nito, magvi-virtual tour si Master Hanz sa bahay ni “A Family Affair” lead star Ivana Alawi sa Bahrain na ipinakita niya sa kanyang vlog.

Dapat ring abangan ng mga manonood sa episode ang Feng Shui tips sa iba’t ibang bahagi at gamit sa bahay gaya ng pintuan, upuan, salamin, bedside table, bed sheet, pati na sa pagre-renovate ng bahay.

Ang “Lucky Home with Master Hanz Cua” ang unang exclusive show ng FYE Channel sa YouTube, kung saan mapapanood din ang highlights ng mga original offerings na nags-stream sa Pinoy livestreaming platform na kumu (app.kumu.ph/fyechannel) gaya ng “The Best Talk,” “Tita Talk,” “Thank You, Doc,” “Pinoy Vibes,” “Bawal Ma-Stress Drilon,” “Call Me MayBi,” “Karerin Natin ‘Yan,” at iba pa.

Bukod sa “Lucky Home,” patuloy na mapapanood si Master Hanz sa kanyang live tarot reading at pagbibigay ng tips sa programang “Hanz Swerte! Hanz Saya!” sa FYE Channel sa kumu tuwing Lunes, Miyerkules, at Biyernes, 9 am.  

Kumuha ng Feng Shui home advice at panoorin ang “Lucky Home with Master Hanz Cua” simula ngayong August 19 (Biyernes), 7 pm sa FYE Channel sa YouTube. Para sa iba pang detalye, sundan ang @fyechannel sa Facebook at Instagram at mag-subscribe sa FYE Channel sa YouTube.

Para sa updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, TikTok, at Instagram o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 3 PHOTOS FROM THIS ARTICLE