Malapit na malaman ng sambayanan kung sino ang susunod nilang iidolohin sa inaabangang Live Gala shows tampok ang Top 12 hopefuls ngayong weekend sa ikalawang season ng "Idol Philippines."
Noong nakaraang linggo, napatayo at napaiyak nga ang Idol judges sa ipinamalas na performances ng Nisha Bedaña, Ann Raniel, Misha de Leon, Trisha Gomez, Delly Cuales, Anthony Meneses, Kice, PJ Fabia, Khimo Gumatay, Drei Sugay, Bryan Chong, at Platinum Ticket holder na si Ryssi Avilakaya naman sila ang napiling uusad sa susunod na round ng kompetisyon.
Sa darating na Live Gala shows, maari naman na makilahok ang viewers para ipakita ang kanilang suporta sa paborito nilang hopefuls sa pamamagitan ng voting credits sa Uplive. I-download na ang Uplive at gumawa ng sariling account. I-click ang banner landing page at Idol account profile. Maglog-on para makakuha ng libreng voting credits, o bumili ng nasabing credits. Maari lang gamitin ang voting credits sa mismong show. Magbubukas ang voting lines tuwing live shows.
Inilabas din ng programa nitong nakaraang linggo ang kanilang rare digital collectibles sa pagtutulungan nila sa Theta Network. Ang "Idol Philippines" ang kauna-unahang programa magkaroon ng digital collectibles, o tinatawag na NFTs sa bansa.Ang NFTs ay mga natatanging kopya ng bagay sa digital world na walang ibang kopya o limited ang kopya sa buong mundo. Dahilnag-iisa lang ang mga ito, mabenta ang NFTs sa mga collector ng digital art o di kaya dahil sa iba't ibang benipisyong kasama nito tulad ng live access sa shows, meet and greet, at marami pang iba.
Sa ngayon, available na ang first batch ng rare digital collectibles ng "Idol Philippines" logo sa halagang P50 at "Golden Ticket" NFT na may LIVE show access sa halagang P999 sa ThetaDrop. Maaring makanood ng live shows ang Golden Ticket NFT owners mula Agosto hanggang Setyembre.
Sa darating na August 18, magiging available rin ang "Finalist Pack" na may mukha mismo ng hopefuls sa presyong P899. Sa mga gusto naman mapanood ang finals ng ikalawang season ng "Idol Philippines" sa Setyembre 17 at 18 at makilala ng face to face ang grand winner ng season na ito, abangan ang paglabas ng Platinum Ticket NFTs sa halagang P1999.
Huwag palampasin ang Live Gala Shows ngayong weekend sa “Idol Philippines” sa Kapamilya Channel,A2Z, TV5, Kapamilya Online Live, iWantTFC, at TFC IPTV.