News Releases

English | Tagalog

ABS-CBN, nasungkit ang 14 na parangal sa Gawad Pilipino 2022

September 21, 2022 AT 10:48 AM

Mga personalidad ng ABS-CBN, kinilala dahil sa kanilang kahusayan
 

Nakatanggap ang ABS-CBN ng 14 na parangal para sa mga mahuhusay na programa, artista, at mamamahayag nito sa Gawad Pilipino 2022 Icon Awards na ginanap sa Metropolitan Theater.

Kinilala ang award-winning actress at host na si Charo Santos-Concio bilang Outstanding Drama Anthology Host of The Year para sa “Maalala Mo Kaya,” ang longest-running TV drama anthology sa Pilipinas.

Panalo rin ang ilang Kapamilya artists na sina Anne Curtis (Outstanding Female Host),  Ogie Alcasid (Most Outstanding Male Host of the Year), Joshua Garcia (Outstanding Performance by an Actor), Ivana Alawi (Best Actress), Jed Madela (Favorite Balladeer of The Year), Anthony Barion (Promising Young Male Host Award of The Year), Moira Lacambra (Promising Pop Solo Award of The Year), at Arjo Atayde (Outstanding Public Servant of the Year).

Tinanghal rin ang “It’s Showtime” bilang Best Noontime Show sa awarding ceremony.

Samantala, ilang personalidad din ng ABS-CBN News ang nag-uwi ng mga parangal kabilang si Noli de Castro (Outstanding News and Public Affairs TeleRadyo Host of the Year), Amy Perez (Outstanding Female TeleRadyo Host of the Year), Alvin Elchico (Most Outstanding Male News Presenter of The Year), at Bernadette Sembrano (Outstanding Broadcast Journalist of The Year).

Ang Gawad Filipino Awards ay isang taunang pagdiriwang na naglalayong kilalanin ang mahuhusay na Pilipino at kanilang mga gawa na nakakaimpluwensya sa kultura, tradisyon, at lipunan ng Pilipinas.

Para sa iba pang balita, i-follow ang @ABSCBNPR sa Facebook, Twitter, Instagram, at TikTok o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.