News Releases

English | Tagalog

Kapamilya podcasts, mahahanap na sa ABS-CBN Hub ng Spotify

September 22, 2022 AT 10:45 PM

Discover the best Kapamilya podcasts on Spotify's ABS-CBN Hub

5Discovering the best Kapamilya podcasts is now made easier through the ABS-CBN Hub, the first local network podcast Hub of Spotify in the country, which serves as the home of all future and current Kapamilya podcasts.

Unang local network podcast Hub sa Pinas 


Mas pinadali ang paraan para makahanap ng magandang podcasts sa Spotify dahil inilunsad na nito ang ABS-CBN Hub upang mas mabilis makadiskubre ng Kapamilya podcasts sa naturang platform ang mga tagapakinig. 

Bilang unang local network podcast Hub na inilunsad ng Spotify sa bansa, ang ABS-CBN Hub ang nagsisilbing tahanan ng lahat ng Kapamilya podcasts. 

Matatagpuan ng Spotify users ang isa sa pinakasikat na podcast sa Pilipinas na “Dear MOR: The Podcast,” sa ABS-CBN Hub

Marami ring kwentuhan tungkol sa buhay, musika, at pag-ibig ang handog ng “Kwentong KaMORkada,” “Sex, Love, and Relationships with Chico Martin,” at “Mga Alamat ni Lola Kerps.” 

Para naman sa latest tungkol sa showbiz at mga panayam sa mga sikat na artista, pwedeng making sa “Hotspot: The Podcast” kasama si DJ JhaiHo, “Push Most Wanted” kasama si Jeff Fernando, at “Kapamilya Chat.”  

Hindi rin magpapahuli na magbigay ng saya ang momshies na sina Melai Cantiveros, Jolina Magdangal, at Regine Velasquez-Alcasid sa “Magandang Buhay: The Podcast” na tampok ang audio version ng kanilang mga kwentuhan kasama ang iba’t ibang guests sa programa.   

Sa mga mahilig sa daily horoscopes, nariyan ang “KapalarHanz” ni Master Hanz Cua, ang pinakabatang feng shui master sa Pilipinas at sa Asya. 

Samantala, handog naman ng “ABS-CBN News Flash,” “ANC Podcast,” at “ANC Market Edge” ang iba’t ibang nagbabagang balita sa Spotify users. 

Ayon kay ABS-CBN head of digital na si Jamie Lopez, makakatulong ang ABS-CBN Hub sa Spotify users na mahanap agad ang Kapamilya podcasts na naghahatid ng aliw at impormasyon.   

Aniya, “The ABS-CBN Hub on Spotify enables users to have greater access to quality audio content as more Filipinos continue to turn to podcasts for entertainment and information.”   

“The ABS-CBN Hub will help Filipinos have greater access to what they want to hear and what is meaningful to their lives and community. We are also thrilled to give Filipino creators a platform to empower their work and connect with their fans on a local and global stage,” ani naman ni Carl Zuzarte, Spotify head of Studios Southeast Asia. 

Makinig sa iba’t ibang Kapamilya podcasts sa ABS-CBN Hub sa Spotify. I-type lang ang ABS-CBN sa search box sa Spotify mobile app o bisitahin ang www.spotify.com/abs-cbn. Para sa ibang updates, i-follow ang @ABSCBNPR sa Facebook, Twitter, Instagram, at TikTok o pumunta sa www.abs-cbn.com/newsroom.  

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 5 PHOTOS FROM THIS ARTICLE