News Releases

English | Tagalog

Mga bida ng “The Iron Heart” na sina Richard, Jake at Sue dinumog sa Sinulog Kapamilya Karavan

January 18, 2023 AT 10:43 AM

Mga cast ng “Dirty Linen” at "Darna" magdiriwang ng Dinagyang sa Iloilo ngayong Linggo

 
Nakisama sa pagdiriwang ng Sinulog Festival ang cast ng ABS-CBN serye na “The Iron Heart,” na pinangunahan ni Richard Gutierrez, Jake Cuenca, at Sue Ramirez, kasama ang libo-libong tagahanga sa unang in-person Kapamilya Karavan event ng taon sa Ayala Center Cebu noong Enero 14.
 
Nakisaya at nakipag-kumustahan sina Richard, Jake, Sue, Sofia Andres at ang kanyang anak na si Zoe, at Pepe Herrera sa libo-libong fans na nanonood sa mall show.
 
Lumipad din sa Cebu ang iba pang miyembro ng cast na sina Albert Martinez, Meryll Soriano, at Enzo Pineda para samahan sila sa pagdiriwang sa Sinulog Grand Parade kinabukasan (Enero 15).
 
Pasasalamat na rin ito sa mga Cebuano para sa kanilang mainit na pagtanggap at suporta ng mga ito noong ilang buwang shooting nila sa probinsya.
 
Isang panibagong karakter din ang dumagdag sa serye na gagampanan ng Kapamilya heartthrob na si Ian Veneracion bilang 'Secret Boss.' Panoorin ang unang paglabas nito sa “The Iron Heart” sa A2Z, Kapamilya Channel, TV5, Kapamilya Online Live sa Facebook at YouTube, Jeepney TV, at TFC IPTV.
 
Samantala, isa pang star-studded celebration ang gaganapin ngayong Linggo (January 22), dahil lilipad ang mga cast ng “Mars Ravelo’s Darna” at bagong Kapamilya serye na "Dirty Linen" patungong Iloilo para sa Dinagyang Festival. Mapapanood ang mga bida ng “Darna” sa Vista Mall Iloilo (4 pm), habang ang makikisaya naman “Dirty Linen” stars sa Festive Walk Iloilo, Iloilo Business Park (5 pm).
 
Ang “Dirty Linen” ay isang drama-love story teleserye na pinagbibidahan ni Zanjoe Marudo, Janine Gutierrez, Seth Fedelin, at Francine Diaz. Nakatakda itong ipalabas ngayong January 23, 9:30 PM sa Kapamilya Channel, A2Z, TV5, Kapamilya Online Live, iWantTFC, at TFC.
 
Naging posible ang Sinulog Kapamilya Karavan sa pamamagitan ng pagtutulungan ng ABS-CBN Regional, ABS-CBN Events, Kapamilya Channel Regional, MOR, at A2Z Regional.
 
Para sa ibang balita, i-follow ang @ABSCBNPR sa FacebookTwitterInstagram, and TikTok or visit www.abs-cbn.com/newsroom.