ABS-CBN has long been recognized as a reliable foreign content provider
Ratsada pa rin ang ABS-CBN sa paghahatid ng de-kalidad nitong mga programa sa mga manonood sa Indonesia dahil sa bagong content localization partnership nito sa streaming platform na Vidio.
Ilan sa mapapanood online sa Indonesia ang mga hit teleserye nitong “Hanggang Saan” na pinagbidahan ng mag-inang sina Arjo Atayde at Sylvia Sanchez, “Love Thy Woman” nina Kim Chiu, Yam Concepcion, at Xian Lim, pati ang “Sino ang Maysala?: Mea Culpa” nina Jodi Sta. Maria, Bela Padilla, Ketchup Eusebio, at Tony Labrusca.
Palabas din sa Vidio ang longest-running drama anthology series sa bansa ni Charo Santos na “Maalaala Mo Kaya,” habang kapupulutan din ng aral ng mga chikiting ang mga istoryang tampok sa fantaserye na “Wansapanataym.”
Dahil sa bagong partnership na ito, hangad pa ng ABS-CBN na makapaghatid ng de-kalibreng Pinoy content sa iba’t ibang streaming platform abroad at ikinagalak din nila ang pagtangkilik ng Indonesian viewers sa kinagiliwang Kapamilya programs.
Aniya ng Asia Pacific managing director of ABS-CBN Global na si Maribel Hernaez, “The past couple of years saw a huge boost in the streaming industry. Around this period, ABS-CBN has taken massive steps to dominate the digital landscape through partnerships among the OTT sectors across the globe. On another hand, we acknowledge the support of Indonesians for our TV programs, films and music. This partnership with Vidio will allow us to further reach Indonesian viewers.”
Samantala, inihayag naman ng managing director of PT Vidio Dot Com na si Monika Rudijono na angkop na angkop sa kanilang manonood ang mga programang dala ng ABS-CBN para patuloy na maghatid ng world-class programming sa leading streaming platform sa Indonesia.
“As a leading OTT in Indonesia, Vidio is committed to providing premium entertainment content and seamless viewing experience for everyone. We continuously expand and refresh our content library with new titles from all around the world. This collaboration with ABS-CBN is a huge opportunity to further enhance our content offerings and bring some of the best shows across a wide variety of genres from the Philippines to our beloved Indonesian audiences,” saad ni Rudijono.
Ilan lamang ito sa mga mga programa at pelikulang hatid ng ABS-CBN sa mga manonood abroad, kung saan nakapagbenta ito ng mahigit 50,000 hours ng content sa higit 50 na bansa.
Para sa iba pang Kapamilya updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, Instagram, at TikTok o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.