News Releases

English | Tagalog

ABS-CBN, wagi bilang Most Outstanding Media Company sa 5th Gawad Lasallianeta

January 31, 2023 AT 04:51 PM

ABS-CBN honored as Most Outstanding Media Company at 5th Gawad Lasallianeta

ABS-CBN was recognized by the administrators, faculty, staff, students, and parents of De La Salle Araneta University (DLSAU) as the Most Outstanding Media Company at the 5th Gawad Lasallianeta on Monday (January 30).

Vice Ganda at Kathryn, nakakuha ng maraming parangal

 

Pinarangalan ang ABS-CBN ng administrators, faculty, staff, mga mag-aaral, at mga magulang ng De La Salle Araneta University (DLSAU) bilang Most Outstanding Media Company sa 5th Gawad Lasallianeta noong Lunes (Enero 30).

Nanguna sina Vice Ganda at Kathryn Bernardo sa mga Kapamilya personality na nakakuha ng pinakamaraming parangal. Apat ang nakuhang parangal ni Vice kabilang na ang Most Outstanding Social Media Personality, Most Influential Multimedia Filipino Celebrity, Most Outstanding Twitter Influencer, at Outstanding Entertainment Show Host.

Samantala, ibinoto ng Lasallian community si Kathryn bilang Most Influential TV Filipino Celebrity, Most Outstanding Brand Endorser, at Most Outstanding Actress in a Drama Series para sa “2 Good 2 Be True.” Ang kanyang leading man sa serye na si Daniel Padilla ang nakasungkit ng parangal bilang Most Outstanding Actor in a Drama Series.

Pinangalanan naman ang “It’s Showtime” bilang Most Outstanding Variety Show, habang si Anne Curtis ang nanalo bilang Most Outstanding Variety Show Host.

Sa larangan ng news and current affairs, nagwagi ang TeleRadyo bilang Most Outstanding Digital Radio Station, habang ang mamamahayag at “Sakto” host na si Jeff Canoy ang nanalong Most Outstanding Male News Correspondent.

Nag-uwi rin ng parangal ang “TV Patrol” anchors na sina Karen Davila at Noli de Castro sa 5th Gawad Lasallianeta. Kinilala si Karen bilang Most Outstanding Female News Anchor, habang Most Outstanding Public Affairs Show Host para sa “KBYN: Kaagapay ng Bayan” si Kabayan Noli.

Pinili rin ng DLSAU community ang ABS-CBN Entertainment bilang Most Outstanding YouTube Channel at Most Outstanding Facebook page. Sa kasalukuyan, may 35 milyon na followers ang ABS-CBN Facebook page. Nananatili ring most subscribed channel in Southeast Asia ang YouTube channel nito na may 42.1 milyon na subscribers.

Layunin ng Gawad Lasallianeta na parangalan ang mga natatanging media at public communicators sa bansa. Isang university-wide survey kabilang ang DLSAU administrators, staff, faculty members, parents, at students ang kanilang ginawa noong Nobyembre 2022 upang matukoy ang mga winner sa iba’t ibang kategorya.  

Para sa ibang updates, i-follow ang @ABSCBNPR sa Facebook, Twitter, Instagram, at TikTok o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.