News Releases

English | Tagalog

Jonathan Manalo, umani ng 22 nominasyon sa 36th Awit Awards

October 18, 2023 AT 09:09 AM

Most nominated musician para sa ikalimang taon
 
Nakatanggap ang Kapamilya artist, songwriter, at producer na si Jonathan Manalo ng 22 nominasyon sa 36th Awit Awards at ito na nga ang ikalimang taon na siya ang umani ng pinakamaraming nominasyon sa prestihiyosong music award-giving body.
 
Naging nominado ang ABS-CBN Music creative director sa 16 award categories ng Awit Awards noong 2016, 21 categories noong 2018, 22 categories noong 2019, at 26 categories noong 2020.
 
Kasama sa kanyang mga nominasyon ngayong taon ang mga prinodyus niyang album sa ilalim ng Star Music na pasok sa Album of the Year category: ang self-titled debut album ni Angela Ken at “BE US” album ng grupong BGYO. Siya rin ang producer ng dalawang Record of the Year nominees, ang “Lagi” ng BINI at "Gusto Ko Nang Bumitaw" ni Morissette na patuloy na namamayagpag sa TikTok kung saan may higit na sa 700 million views ang kanta.
 
Si Jonathan din ang nagprodyus ng 10 singles na nominado sa iba’t ibang kategorya, kasama na ang Best Christmas Recording nominee na “Tayo Ang Ligaya Ng Isa’t Isa” na inawit ng iba’t ibang ABS-CBN artists.
 
Bilang songwriter, nominado rin si Jonathan sa Best Inspirational Recording para sa “It’s Okay Not To Be Okay” na inawit ni Angela Ken; Best Alternative Recording para sa “Kwento Ng Alon” na collab niya kasama si Kristine Lim; Best Christmas Recording para sa “Tayo Ang Ligaya Ng Isa’t Isa” kasama si Robert Labayen; at Best Original Soundtrack Recording para sa “Lyric & Beat” kasama si Jeremy G at “Kahit Na, Kahit Pa” kasama naman si Trisha Denise.
 
Nakatanggap din ng nominasyon mula sa Awit Awards si Jonathan bilang mang-aawit. Kabilang dito ang Best Collaboration at Best Original Soundtrack Recording para sa kantang “Lyric & Beat” kasama ang “Lyric & Beat” artists at Best Alternative Recording para sa “Kwento Ng Alon” na inawit niya kasama si Trisha Denise.
 
Tinatawag din bilang Mr. Music sa industrya, si Jonathan ay kinilalang National Commission for Culture & the Arts SUDI awardee para sa dekada 2011-2020. Nakapagprodyus at nakapaglunsad na siya ng higit sa 200 albums at umani ng 75 multi-platinum at 100 Gold PARI Certifications. Siya rin ang most streamed Filipino songwriter at record producer of all time na may higit sa 1.5 billion Spotify streams ng musika na isinulat at prinodyus niya.
 
36TH AWIT AWARDS NOMINATIONS | JONATHAN MANALO
As Producer
Album of the Year - Angela Ken
Album of the Year -  BGYO
 
Record of the Year - Gusto Ko Nang Bumitaw by Morissette
Record of the Year - Lagi by BINI
 
Best Pop Recording - Babalik sa ‘yo by Moira de la Torre
 
Best Rock Metal Recording -  Isa Pa Nga by Tres Marias
 
Best Alternative Recording - Kuwento Ng Alon by Jonathan Manalo & Trisha Denise
 
Best Christmas Recording -  Tayo Ang Ligaya Ng Isa’t Isa  by ABS-CBN all-stars
 
Best Traditional Recording - Kumpas by Moira De La Torre
 
Best Original Soundtrack Recording -  Kumpas by Moira De La Torre
 
Best Original Soundtrack Recording -  Lyric & Beat by series cast
 
Best Original Soundtrack Recording -  Kahit Na, Kahit Pa by Belle Mariano
 
Best Inspirational Recording  - It’s Okay Not To Be Okay by Angela Ken
 
Best Remix -  Gusto Ko Nang Bumitaw  by Morissette x Brian Cua
 
As Songwriter
Best Alternative Recording -  Kuwento Ng Alon by  Jonathan Manalo & Kristine Lim
 
Best Christmas Recording -  Tayo Ang Ligaya Ng Isa’t Isa  by Jonathan Manalo & Robert Labayen
 
Best Original Soundtrack Recording -  Lyric & Beat Jonathan Manalo & Jeremy G
 
Best Original Soundtrack Recording -  Kahit Na, Kahit Pa  by Jonathan Manalo & Trisha Denise
 
Best Inspirational Recording - It’s Okay Not To Be Okay by Jonathan Manalo & Angela Ken
 
As Artist
Best Collaboration - Lyric & Beat artists - Jonathan Manalo, Andrea Brillantes, Seth Fedelin, Darren Espanto, Jeremy G., AC Bonifacio, Sheena Belarmino, Awra Briguela, Angela Ken, Kyle Echarri
 
Best Original Soundtrack Recording - Lyric & Beat artists - Jonathan Manalo, Andrea Brillantes, Seth Fedelin, Darren Espanto, Jeremy G., AC Bonifacio, Sheena Belarmino, Awra Briguela, Angela Ken, Kyle Echarri
 
Best Alternative Recording  - Kuwento Ng Alon  by Jonathan Manalo & Trisha Denise
 

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 4 PHOTOS FROM THIS ARTICLE