Dating tricycle driver na may Bali-inspired resort, kikilalanin ni Karen
Magkukumustahan sina Migs Bustos at ang tinaguriang ‘perfume tycoon’ na si Joel Cruz upang malaman kung paano ni Joel napalago ang bagong Japanese-themed food business ngayong Sabado (Oktubre 21) sa “My Puhunan.”
Naisipan ni Joel na pasukin ang food industry noong kasagsagan ng pandemya sa pamamagitan ng “Takoyatea by Joel Cruz” na nagbunga rin dahil sa pagnenegosyo ng kanyang sister-in-law at pamangkin. Dahil sa tamang diskarte sa negosyo at tiyaga, marami na ang nag-franchise sa negosyo ni Joel sa loob lamang ng higit isang taon.
Samantala, biyaheng Porac, Pampanga naman si Karen Davila para kilalanin si Rex Caligagan, isang dating barangay tanod at tricycle driver na ngayon ay isang mega milyonaryo at nagmamay-ari ng isang Bali-inspired resort.
Kwento ni Rec, iba’t ibang trabaho ang kanyang pinasok para lamang maitawid ang pag-aaral noon. Dahil malaki ang ambisyon ni Rec sa buhay, nakapag-ipon at nakapagpundar siya ngayon ng Reca Farm and Resort na isang hektarya ang laki.
Huwag palampasin ang mga kwentong puno ng inspirasyon sa ‘My Puhunan: Kaya Mo!’ kasama sina Karen Davila at Migs Bustos sa bago nitong timeslot tuwing Sabado, 5:00 p.m. sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, A2Z, news.abs-cbn.com/live at sa iba pang ABS-CBN News online platforms.
Para sa ibang updates, i-follow ang @ABSCBNPR sa Facebook, Twitter, Instagram, TikTok, at Threads o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.