News Releases

English | Tagalog

YouTube show na "Love Letters" tututok sa usaping pag-ibig ng Gen Z's

October 24, 2023 AT 10:14 AM

New YouTube show "Love Letters" to tackle relationship issues of the new gen

"Love Letters" will feature new episodes every Friday at 7 pm on ABS-CBN Star Music and MOR Entertainment YouTube channels.

Pangungunahan ng voice actor at cool ‘tito’ na si Dan Capucion

 

Mga kwentong mula sa puso ng bagong henerasyon ang tatalakayin sa “Love Letters,” ang bagong drama-advice program na pangungunahan ng Kapamilya digital content producer na si Dan Capucion at mapapanood nang eksklusibo sa YouTube simula Biyernes (Oktubre 27), 7pm.

 

Tampok sa bagong drama production ang mga kwento mula sa letter senders na maghahatid ng inspirasyon at gagabay sa mga manonood sa kani-kanilang problema sa puso. Handog ito ng MOR Entertainment, and nasa likod ng mga sikat na Spotify podcast ng ABS-CBN tulad ng “Dear MOR,” kasama ang ABS-CBN Music.

 

Matagal ng dramatista si Dan sa “Dear MOR” at taglay niya ang cool ‘tito’ vibe kaya tiyak na mapapalapit siya sa mga puso ng Gen Z’s. Isa rin siyang voice actor na gumanap bilang bida sa iba’t ibang Asianovela at naging lead voice actor din ng mga Tagalized Hollywood movies.

 

Mapapakinggan ang bagong episode ng “Love Letters” sa ABS-CBN Star Music at MOR Entertainment YouTube channels tuwing Biyernes, 7pm simula Oktubre 27.
 

For updates, follow @abscbnpr on Facebook, Twitter, Instagram, and TikTok, or visit www.abs-cbn.com/newsroom.

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 4 PHOTOS FROM THIS ARTICLE