News Releases

English | Tagalog

“FPJ’s Batang Quiapo” stars Coco at Ivana, dinagsa at pinagkaguluhan ng fans sa Kapamilya Karavan sa Bacolod

October 24, 2023 AT 01:46 PM

KD at Alexa, nagapakilig sa Masskara Festival

 

Dinumog ng sampung libong tagahanga ang mga bida ng “FPJ’s Batang Quiapo,” sa pangunguna nina Coco Martin at Ivana Alawi, sa kanilang Kapamilya Karavan mall show para sa Masskara Festival 2023 noong Sabado (Oktubre 21).

Nagpahayag ng pananabik sina Coco at Ivana, na first time na makikisama sa Masskara Festival, sa kanilang pakikiisa sa kasiyahan sa Bacolod.

Pinasalamatan ng King of Primetime ang mga manonood para sa pagsuporta nito sa “FPJ’s Batang Quiapo,” ang nangunguang teleserye sa buong bansa. “Sulit yung paghihirap. Kapag nakikita mo gabi-gabi na nandyan sila, tinatangkilik nila yung pinaghihirapan niyo, at nararamdaman mo yung pagmamahal ng mga Pilipino, napakasarap sa pakiramdam,” sabi niya sa panayam ng TV Patrol.

Nabanggit rin ni Ivana ang nag-viral niyang action scene sa serye.  “Hindi siya madali pero I’m very thankful kasi I’m supported by such a strong team. Tsaka may training talaga. Hindi naman nila ako sinabak nang ganon lang,” sabi niya.

Pinasaya ni Coco ang fans dahil sa pagkanta at pagsayaw niya ng Pinoy medley hits, habang pina-ibig naman ni Ivana ang mga manonood sa pamamagitan ng pagkanta niya ng “Torete.”

Sinamahan sina Coco at Ivana ng iba pang cast ng “FPJ’s Batang Quiapo” na sina Lorna Tolentino, Lito Lapid, Bassilyo, at Smugglaz.

Samantala, pinakilig ng “Pira-Pirasong Paraiso” stars na sina KD Estrada at Alexa Ilacad mga tagahanga dahil sa kanilang pag-awit ng “Please Be Careful With My Heart.”Inawitan rin nina Charlie Dizon at Joseph Marco ang libo-libong tagahanga. 

Panoorin ang maaaksyong eksena ng “FPJ's Batang Quiapo” at ang kaabang-abang na kwento ng “Pira-Pirasong Paraiso” sa Kapamilya Channel, A2Z, TV5, iWantTFC, TFC IPTV, at Kapamilya Online Live sa YouTube channel at Facebook page ng ABS-CBN Entertainment.

Ang Masskara Festival Kapamilya Karavan ay naging posible sa pamamagitan ng pagsisikap ng ABS-CBN Regional, ABS-CBN Events, Kapamilya Channel Regional, MOR, at A2Z Regional.

Para sa ibang updates, i-follow ang @ABSCBNPR sa Facebook, X (dating Twitter), Instagram, TikTok, at Threads o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.