News Releases

English | Tagalog

“Linlang,” numero unong TV series sa Prime Video Philippines

October 06, 2023 AT 12:51 PM

Napapanood na sa higit 240 na bansa at teritoryo

 

Unang araw pa lamang ng suspense-thriller series na “Linlang” ng ABS-CBN sa Prime Video Philippines noong Oktubre 5, pero agad itong nanguna sa listahan ng mga pinapanood na TV series sa streaming platform.

Mapapanood na ang unang dalawang episodes ng “Linlang” na pinagbibidahan nina Paulo Avelino, JM de Guzman, at Kim Chiu. Tuwing Huwebes, may bagong episodes ang “Linlang” na ilalabas sa Prime Video Philippines.

Bukod sa Pilipinas, napapanood din ang “Linlang” sa higit 240 na bansa at  teritoryo. Ito rin ang pangalawang serye ni Kim sa Prime Video kasunod ang “Fit Check” Confessions of an Ukay Queen.”

Umiikot ang kwento ng serye kay Victor “Bangis” Lualhati (Paulo Avelino), dating boksingero na naging seaman, at sa kanyang pagtuklas ng katotohanan sa likod ng pagtataksil ng kanyang asawang si Juliana (Kim Chiu).

Makakasama rin nina Paulo, JM, at Kim ang mga premyadong aktres na sina Maricel Soriano at Ruby Ruiz, at ang isa sa rising stars ng ABS-CBN na si Kaila Estrada.

Kabilang din sa serye sina Jaime Fabregas, Raymond Bagatsing, Albie Casiño, Jake Ejercito, Heaven Peralejo, Adrian Lindayag, Race Matias, Benj Manalo, Lovely Abella, Frenchie Dy, Ross Pesigan, Hanna Lexie, Juno Advincula, Connie Virtucio, Lotlot Bustamante, Meann Espinosa, Danny Ramos, Bart Guingona, Marc Mcmahon, Anji Salvacion, at Kice. Sina FM Reyes at Jojo Saguin naman ang mga direktor ng serye.

Para sa iba pang updates, sundan ang @ABSCBNPR sa Facebook, Twitter, Instagram, TikTok, at Threads o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 4 PHOTOS FROM THIS ARTICLE