Karen Davila and Migs Bustos, ibabahagi ang mga kwento ng tagumpay
Bibisitahin ni Migs Bustos ang cafe owner na si Mark Vasquez, na dating houseboy at service crew, sa “Tao Po” “My Puhunan: Kaya Mo!” ngayong Sabado (Oktubre 7).
Nagsimula lang si Mark sa pagbebenta ng coffee beans, na personal nilang kinukuha sa Atok, Benguet, katuwang ang kaniyang asawa noong 2019. Makalipas ng tatlong taon, naipatayo nila ang cafe nilang “Coffee Buddy” sa Quezon City at nagpapa-franchise na rin para sa mga kapuhunan na interesadong pasukin ang negosyo sa kape.
Kikilalanin din ni Karen Davila ang civil engineer na si Mags Dizon, na binitawan ang corporate job para magnegosyo at ngayon nakakatulong pa sa isang komunidad. Nang mapalago niya ang kanyang honey business, nagbenta na rin siya ng mga gift boxes noong kasagsagan ng pandemya.
Bukod sa mga kahong panregalo, mabibili rin sa kanyang online store na pangbalot.ph ang iba’t ibang klase ng mga tampipi na ginagawa ng mga housewife sa komunidad.
Huwag palampasin ang mga kwentong puno ng inspirasyon sa ‘My Puhunan: Kaya Mo!’ kasama sina Karen Davila at Migs Bustos sa bago nitong timeslot tuwing Sabado, 5:00 p.m. sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, A2Z, news.abs-cbn.com/live at sa iba pang ABS-CBN News online platforms.
Para sa ibang updates, i-follow ang @ABSCBNPR sa Facebook, Twitter, Instagram, TikTok, at Threads o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.