FranSeth bumisita sa bahay-ampunan; Alexa tumulong sa cancer patient…
Isang maagang Pamasko ang hatid nina Francine Diaz, Seth Fedelin, Alexa Ilacad, at iba pang Star Magic artists para makapagbigay saya at pagmamahal sa piling mga benepisyaryo.
Bahagi ito ng “Share the Magic” campaign ng Star Magic kung saan layunin nitong tulungan ang ilang charity at benepisyaryo ngayong Christmas season.
Sa isang vlog na inilabas sa Star Magic YouTube channel, bumisita ang “Fractured” stars na sina Francine, Seth, at Raven Rigor sa Ephesus: Home for Girls. Naging emosyonal si Francine pagkatapos nilang makipag-bonding sa mga bata at marinig ang kani-kanilang mga kwento.
“We want to share the love, especially sa mga bata. Ayokong mawala sa kanila ‘yung Christmas feeling. Kasi kapag lumalaki ka na, parang nawawala ‘yung excitement na magpa-Pasko na,” kwento ni Francine.
Naghatid din si Alexa, kasama ang mga komedyanteng sina Eric Nicolas at Nonong Ballinan, ng saya at pag-asa para sa “Laban Lungs: A Benefit Concert for Sherwin Buenvenida.” Si Sherwin ay dating head writer ng ABS-CBN na kasalukuyang nakikipaglaban sa sakit na cancer.
“I can’t imagine what kuya Sherwin went through, what his family went through. I hope you know that I’m here. We’re going to do everything we can to help,” sabi ni Alexa.
Tuloy-tuloy naman ang "spirit of giving" ng Star Magic dahil mapapanood ang iba pang "Share the Magic" videos tampok ang iba pang mga artista sa mga susunod na linggo.
Samantala, may reunion ulit ang Star Magic artists para magbigay saya at magpasalamat sa paparating na Pasko para sa “Star Magical Christmas." Maaari itong i-livestream sa buong mundo sa YouTube channel ng Star Magic sa Nobyembre 19 (Linggo) ng 6 PM (Manila Time).
Mapapanood dito ang white carpet coverage kung saan irarampa ng Star Magic artists ang kanilang Christmas-themed outfits, at ang main program kung saan bibigyang-pugay ang ilang loyal Star Magic artists.
Panoorin ang “Share the Magic” vlogs sa Star Magic YouTube channel. Para sa iba pang updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, Instagram, at Tiktok o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.