News Releases

English | Tagalog

Star Pop, inilunsad ang bagong boy group na 1621BC

November 24, 2023 AT 09:42 AM

Magpapasiklab sa unang single na “Laruan”

Opisyal nang ipinakilala ng Kapamilya record label na Star Pop ang kanilang kauna-unahang boy band sa P-pop scene na binuo at pinangalanang 1621BC at kasabay nito ang paglabas ng unang single ng grupo na “Laruan.”

Binubuo ang 1621BC ng mga miyembro na sina Pan, Win, Migz, DJ, JM, at JC. Nabuo ang pangalan ng grupo mula sa numerong 1621 na isang angel manifestation number na nagpapahiwatig ng pag-abot sa mga pangarap habang nagmula naman ang BC sa katagang Beyond Complete, na ang ibig sabihin ay lagi nilang hangad ang perfection sa kanilang mga ginagawa.

“Being a new boy band in the P-pop scene, we only have one goal and that is to introduce our songs and music that will make everyone cry, smile, celebrate, dance and sing like it used to be before,” saad ng grupo.

Sa awitin na “Laruan,” binigyang diin nila ang epekto ng toxic relationship sa henerasyon ngayon. Isinulat at iprinodyus ni ALAS ang awitin na sumasalamin sa makulay na boses ng 1621BC.

“Sa generation namin ngayon madami kasi na maling akala at taong paasa kaya no’ng narinig namin yung song, it has become a valid awareness of what is the reality of a relationship nowadays especially with our generation,” aniya.

Sa paglunsad ng kanilang unang single at pagsisimula ng kanilang journey bilang boy band, halo-halong emosyon ang kanilang nararamdaman.

“Sa totoo lang po kahit excited kami, tumatagos pa rin po talaga ang kaba. Yun po siguro talaga ang normal na mararamdaman kasi dugo at pawis po ang binigay po ng lahat, including the people who made this possible for us,” kwento ng grupo.

Umindak sa tinig ng unang single ng 1621BC na “Laruan” na napapakinggan sa iba’t ibang streaming platforms. Para sa updates, sundan ang 1621BC sa Facebook, Twitter, Instagram, at TikTok.

Para sa ibang detalye, sundan ang Star Pop sa Facebook, Twitter, Instagram, at TikTok.

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 4 PHOTOS FROM THIS ARTICLE