Mga PWD, ilan sa mga empleyado ni Wilma
Madiskarteng negosyante na ngayon ang aktres na si Wilma Doesnt na nagtayo ng kanyang sariling 'five-star karinderya' sa Cavite na itatampok ngayong Sabado sa "My Puhunan.”
"Chicks ni Otit" ang tawag sa tinaguriang 'five-star karinderya' nina Wilma at asawang si Gerick Parin sa General Trias. Bukod sa paghahain ng pagkaing Pinoy, layunin nilang mag-asawa na panatilihing malinis ang kanilang tindahan at abot-kaya ang kanilang mga paninda.
Patok din ang "Chicks ni Otit" dahil ilan sa mga empleyado nina Wilma ay mga persons with disability (PWD). Mayroon na rin ang mag-asawang natulungan na makapagtapos ng pag-aaral.
Samantala, magsisilbing inspirasyon naman sa mga manonood ang biyudang si Leonora "Nora" Ballero na dating tumira sa bangketa, pero ngayon kumikita na ng sampung libo kada araw sa pagbebenta ng bibingka.
Huwag palampasin ang mga kwentong puno ng inspirasyon sa ‘My Puhunan: Kaya Mo!’ kasama sina Karen Davila at Migs Bustos sa bago nitong timeslot tuwing Sabado, 5:00 p.m. sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, A2Z, news.abs-cbn.com/live at sa iba pang ABS-CBN News online platforms.
Para sa ibang updates, i-follow ang @ABSCBNPR sa Facebook, Twitter, Instagram, TikTok, at Threads o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.