Kahit pa suntok sa buwan ang inaasam na pag-ibig…
Matapang na pag-amin sa nararamdaman ang tampok sa alternative single na “
Ivana” mula sa promising singer-songwriter-producer na si Dan Lagroma.
“In ‘Ivana’, many of us really aspire or want to achieve something, or in this case, someone. Even if it seems impossible, you go and express it anyway cause it feels good, as the lyrics says ‘Adik man ako sayo pero 'to lang ang high na gusto ko,’” saad niya.
Dating myembro ng isang cover band si Dan na tuluyan nang iniwan ang kanyang long-time computer science job para maging full-time musician. Nakapagprodyus na rin siya ng mga kanta para sa iba’t ibang brands at commercials.
Siya rin ang sumulat ng kantang “Iiyak sa Ulan” na inilabas ni Piolo Pascual noong 2020 sa ilalim ng Star Music.
Napapakinggan na sa iba’t ibang music streaming platforms ang “Ivana” single ni Dan na handog ng DNA Music label ng ABS-CBN. Para sa iba pang detalye, sundan ang DNA Music sa
Facebook,
Twitter,
Instagram, at
YouTube.
Para sa updates, sundan ang @abscbnpr sa
Facebook,
Twitter,
Instagram,
TikTok, o bisitahin ang
www.abs-cbn.com/newsroom.