Kabayan Noli, titikim ng exotic food ngayong Linggo
Makakausap ng ABS-CBN reporter na si Raphael Bosano ang TikTok star na si Euleen Castro o “Pambansang Yobab” tungkol sa kanyang paglalakbay patungo sa body positivity habang kumakain ng Christmas food sa “Tao Po” ngayong Linggo (Disyembre 17).
Pag-uusapan nila ang tungkol sa insecurities ni Euleen, ang kanyang bullying experience at kung paano siya nagkaroon ng kumpiyansa matapos maka-move on mula sa trauma dahil sa panghuhusga at body shaming. Ibabahagi ni Euleen ang kanyang saloobin sa pagkakaroon ng 2.8 milyong followers sa Tiktok at kung paano niya ginagamit ang platform na ito para magbigay ng good vibes at saya.
Makikipag-ugnayan si Bernadette Sembrano kay Jetro Rafael, ang may-ari ng restaurant na “Van Gogh is Bipolar,” para magbigay ng pamasko sa 7-anyos na si Troy De Guzman at sa kanyang mga kapatid. Isang remote-control car lang ang hiling ni Troy De Guzman ngayong Pasko, na buong taon niyang inaasam, ngunit hindi niya makuha dahil sa kasalatan ng kanyang pamilya. Mabibigyan na si Troy ng kanyang inaasam na laruan dahil sa proyektong "Ang Mabuting Aparador" ng restaurant ni Jetro, na nagbibigay ng mga laruan sa mga batang galing sa mahihirap na pamilya.
Samantala, titikman naman ni Kabayan Noli De Castro ang mga kakaibang pagkain tulad ng chichaworm, prinitong kuliglig at palaka. Itatampok niya si Aiko Litao, dating saleslady-turned-entrepreneur, na magkukuwento kung paano lumago at umunlad ang kanyang kakaibang food business.
Huwag palampasin ang mga kapana-panabik na kuwento na ito ngayong Linggo (Disyembre 17) sa "Tao Po" tuwing 2:15 ng hapon sa A2Z at 6:15 ng gabi sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, at ABS-CBN News Online.
Para sa ibang updates, i-follow ang @ABSCBNPR sa Facebook, Twitter, Instagram, TikTok, at Threads o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.