Igalang natin ang mga pahayag nila at huwag na nating dagdagan, bigyan ng ibang kahulugan, o gawan ng kwento at fake news. Wala sa kanila ang nagbigay ng interview o bagong statement dahil nasabi na nila ang kanilang saloobin sa kanilang social media accounts.
Hiling namin na galangin ang bawat isa sa kanila para makatulong sa kanilang paghilom at pag-move on.
Mananatili ang taos-pusong suporta at pagmamahal ng ABS-CBN management at Star Magic kina Kathryn at Daniel.