Katatawanan at todo-todong good vibes ang hatid ng Unkabogable Star Vice Ganda sa kanyang pagbida sa Blockbuster Sundays ng Cinema One ngayong Disyembre.
Saksihan si Vice sa “Beauty and the Bestie” kasama si Coco Martin (Dis. 10), “The Unkabogable Praybeyt Benjamin” kasama si Direk Ramsay (Dis. 17), “Gandarrapiddo: The Revenger Squad” kasama sina Daniel Padilla at Pia Wurtzbach (Dis. 24), at “Sisterakas” kasama sina Ai-Ai delas Alas at Kris Aquino (Dis. 31) na mapapanood sa Blockbuster Sundays, 9pm.
Handog din ng Cinema One ngayong kapaskuhan ang iba’t ibang pelikula na magpapakita ng tunay na diwa at mahika ng Pasko. Tampok dito ang “Cedie” nina Ronaldo Valdez at Tom Taus, “Tataynic” ni Dolphy, “Wansapanataym the Movie” ni Christopher de Leon, “9 Mornings” ni Piolo Pascual, “Four Sisters and a Wedding” nina Angel Locsin, Bea Alonzo, Toni Gonzaga, at Shaina Magdayao, “Three Words to Forever” nina Sharon Cuneta, Richard Gomez at Kathryn Bernardo, at iba pang pelikula na swak para sa family bonding.
Samantala, magpapasikat din ang iba’t ibang icons ng Metro Manila Film Festival (MMFF) sa kani-kanilang blockbuster movies. Tunghayan ang “Mission Unstapabol: The Don Identity” ni Vic Sotto (Dis. 26), “Ang Tanging Ina (Last na ‘To!) ni Ai-Ai delas Alas (Dis. 27), “Feng Shui 2” nina Kris Aquino at Coco Martin (Dis. 28), “Girl, Boy, Bakla, Tomboy” ni Vice Ganda (Dis. 29), at “Sakal, Sakali, Saklolo” nina Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo (Dis. 30) na eere mula Martes hanggang Sabado, 7pm.
Available ang Cinema One, ang tahanan ng Filipino blockbuster movies, sa Cignal ch. 45, SKYcable ch. 56, GSat Direct TV ch. 14, at iba pang local cable service providers. Para sa karagdagang detalye, sundan ang Cinema One sa
Facebook,
X (Twitter),
Instagram,
TikTok, at
YouTube.
Para sa iba pang updates, sundan ang @abscbnpr sa
Facebook,
X (Twitter),
Instagram,
TikTok, o bisitahin ang
www.abs-cbn.com/newsroom.