Poppert Bernadas and Regine Velasquez join forces for a pop duet
‘Dream come true’ para kay Poppert na makatrabaho ang Asia’s Songbird
Magka-duet ang dating “The Voice Philippines Season 2” contestant na si Poppert Bernadas at ang Asia’s Songbird na si Regine Velasquez para sa bagong labas na awitin na pinamagatang “Bitaw.”
Ipinrodyus ni Poppert at ng A Team ang kanta na umiikot sa pagkakaroon ng taong magpapaalala na bitawan ang mga negatibong bagay na nakakaapekto sa sarili.
“It’s ok to let go especially if you know you’re at the losing end. It suggests that even if it’s difficult, while it is still early, protect your heart from all the hurt and pain by letting go,” saad ni Poppert sa naging inspirasyon niya sa paggawa ng kanta na inilunsad ng Star Music.
Naisakatuparan ang kanilang duet nang mag-offer si Regine na pumalit sa orihinal na collaborator ni Poppert matapos itong mag-back out dahil sa magkaibang schedule. Ayon kay Poppert, hindi niya inakala na makakasama niya si Regine sa isang awitin.
“I am amazed how she works during our recording, kasi binigay niya lahat! It took almost two hours to record her part. Since she was very invested to the song, she added some vocal background to it,” sabi ni Poppert. “Never in my wildest dreams na maka-collab ko ang nag-iisang ‘Songbird’ si Ms. Regine Velasquez #dreamsdocometrue.”
Bukod sa kanyang musika, nakilala rin si Poppert sa kanyang pagganap bilang Rio sa ABS-CBN teleserye na “Ang Sa Iyo Ay Akin” at bilang Kanor sa “Starla.” Naging bahagi rin siya ng hit musical na “Rak of Aegis” kung saan gumanap siya bilang Kenny. Isa rin siya sa tatlong male theater performers na nanguna sa Cultural Center of the Philippines concert series na “Triple Threat: Three Tenors” noong 2022. Si Poppert ay nasa ilalim ng management ng A-Team ni Ogie Alcasid at ng Star Magic.
Damhin ang mensahe ng “Bitaw” na napapakinggan sa iba’t ibang music platforms at panoorin ang lyric video nito sa YouTube. Para sa ibang detalye, sundan ang Star Music sa Facebook, Twitter, Instagram, Tiktok, at YouTube.
Para sa iba pang updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, Instagram, at Tiktok o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.