Inspired by his personal experience, Lucas Garcia offers a new heartbreak anthem "Kapatawaran"
Hango sa personal na kwento ng hiwalayan
Ibinahagi ng “Idol Philippines Season 1” second runner-up na si Lucas Garcia ang kanyang personal na karanasan sa pag-ibig sa heartbreaking single na “
Kapatawaran.”
“This song is about letting go of someone not because he or she did you wrong, but because you are simply not ready. It’s like having the right love at the wrong time. It is filled with sadness and sorrow,” saad ni Lucas.
Aniya, ibinuhos niya ang sakit ng kanyang damdamin sa “Kapatawaran” pagkatapos niyang mahiwalay sa kanyang ex-partner. “Kwento ito kung paano kami naghiwalay ng ex-partner ko.”
Si Star Pop label head Rox Santos naman ang nagprodyus ng bagong awitin.
Pagkatapos ng kanyang “Idol PH” journey, naging bahagi si Lucas ng vocal trio na “iDolls” kasam sina Matty Juniosa at Enzo Almario. Huling napanood ang trio sa ikatlong season ng “Your Face Sounds Familiar” kung saan nasungkit nila ang ikaapat na pwesto. Bilang solo artist, inilabas na rin ni Lucas ang iba’t ibang awitin tulad ng “Pinaasa,” “Tinatapos Ko Na,” at “San Na Ba.”
Damhin ang mensahe ng “Kapatawaran” na napapakinggan sa iba’t ibang digital platforms at panoorin ang
visualizer nito sa YouTube. Para sa ibang detalye, sundan ang Star Pop sa
Facebook,
Twitter,
Instagram, at
TikTok.
Para sa iba pang updates, sundan ang @abscbnpr sa
Facebook,
Twitter,
Instagram, at
Tiktok o bisitahin ang
www.abs-cbn.com/newsroom.