News Releases

English | Tagalog

Mga palabas nina Lovi, Janine, at Angelica tampok sa iWantTFC ngayong Women's Month

February 27, 2023 AT 12:22 PM

Mga babaeng palaban ang bida sa iWantTFC ngayong Women’s Month tampok ang mga pelikula at serye nina Lovi Poe, Janine Gutierrez, Angelica Panganiban, at marami pang iba na maaaring mapanood nang libre sa streaming platform. 

Sa special selection na “In Celebration of International Women’s Day,” masusundan ng viewers ang kwento ng mga babaeng nagpalamas ng tapang at sakripisyo sa kabila ng mga pagsubok sa buhay. Mapagpipilian ang mga seryeng “Call Me Tita” nina Cherry Pie Picache, Joanna Ampil, Agot Isidro, at Mylene Dizon at ang “Sleep with Me” girls’ love series nina Lovi at Janine, pati na rin ang mga pelikulang “Glorious” ni Angel Aquino at “Malaya” ni Lovi.

Tampok naman sa “Queens of Philippine Movies” selection ang mga tumatak na karakter sa mga Pinoy nina Bea Alonzo, Angelica Panganiban, Bela Padilla, at Angel Locsin. Balikan ang kanilang natatanging pagganap kapag pinanood ang mga pelikula nilang “The Unmarried Wife,” “One More Chance,” “Camp Sawi,” “Unofficially Yours,” at iba pa.

Ilan naman sa mga proyekto ng mahuhusay na mga babaeng direktor ang pwedeng panoorin sa “Movies by Female Directors” selection. Mapapanood sa iWantTFC ang mga pelikula nina Olivia Lamasan, Antoinette Jadaone, Mae Cruz-Alviar, at Cathy Garcia-Molina tulad ng “Milan,” “That Thing Called Tadhana,” “She’s The One,” at “Hello, Love, Goodbye.”

Simulan na ang movie marathon ngayong Women’s Month at i-stream ang mga movie at series na ito nang libre sa Pilipinas sa iWantTFC app (iOs at Android) o website (iwanttfc.com).

Mas madali nang manood sa iWantTFC gamit ang "watch now, no registration needed" feature nito na available sa Pilipinas. Mapapanood din ang iWantTFC sa mas malaking screen sa piling devices gaya ng VEWD, ROKU at Amazon Fire streaming devices, Android TV, piling Samsung Smart TV models, Telstra TV (available lamang sa Australia) para sa users sa labas ng Pilipinas, at VIDAA para sa piling mga bansa. Available na rin ang iWantTFC via Chromecast at Airplay. Para sa kumpletong listahan ng compatible devices, sign in instructions, at account activation, bisitahin ang https://bit.ly/iWantTFC_TVDevices.

Para sa updates, i-follow ang www.facebook.com/iWantTFC at @iwanttfc sa Twitter at Instagram, at mag-subscribe sa www.youtube.com/iWantTFC. Kung may mga katanungan naman, mag-e-mail sa support@iwanttfc.com.