The collaboration between ABS-CBN and MX Player is a first for both companies whose business operations extend across continents
Tampok sa streaming platform na MX Player ang ‘The General’s Daughter,’ ‘Hanggang Saan,’ ‘Love Thy Woman’ at iba pa
Patuloy pa rin ang pag-arangkada ng world-class Kapamilya content abroad dahil mapapanood na rin ang ilan pa sa kinagiliwan nitong teleserye sa nangungunang Indian streaming platform na MX Player.
Ito ang magiging kauna-unahang partnership deal ng ABS-CBN at MX Player na layong paigtingin ang offerings nito sa iba’t ibang panig ng mundo.
Ikinatuwa naman ni ABS-CBN Global Asia-Pacific managing director na si Maribel Hernaez ang anunsyong ito.
Aniya, “In this partnership, ABS-CBN and MX Player are able to show to a wider range of audience the shared culture of Filipinos and Indians, and – more importantly – a true humanity through exceptional storytelling. Whether it's about revenge or a love story, crime or action, family or society, viewers will surely find a story apt to their taste.”
Saad naman ng MX Player sa kanilang press statement, “We’re delighted to expand into a new international territory with the addition of these five Filipino titles and we believe the highly relevant and relatable narratives will strike a chord with Indian audiences.”
Ilan sa mapapanood ang primetime serye ni Angel Locsin na “A General’s Daughter,” pati ang “Hanggang Saan” nina Sylvia Sanchez at Arjo Atayde.
Streaming din sa MX Player ang afternoon serye nina Kim Chiu at Yam Concepcion na “Love Thy Woman,” pati ang mga programang “Sino ang Maysala? Mea Culpa” nina Jodi Sta. Maria at Bela Padilla, at “A Love to Last” nina Ian Veneracion at Bea Alonzo.
Ilan lamang ito sa mga mga programa at pelikulang hatid ng ABS-CBN sa mga manonood abroad, kung saan nakapagbenta ito ng mahigit 50,000 hours ng content sa higit 50 na bansa.
Para sa iba pang Kapamilya updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, Instagram, at TikTok o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.